CHAPTER 1

4 0 0
                                    


Yung akala mo sya na yung the one, kasi haler, kababata mo lang sya, hanggang sa naging highschool crush, sumikat ka pa sa school nyo dahil nailoveteam ka sakanya. Hanggang sa akala mo, okay kayo pero wala eh, nagkagusto ka sa iba, SA KATROPA nya pa. Naging halos maging kayo nung katropa nya, then feeling mo nagseselos na sya kaya lumayo ka dun sa tropa nya, hanggang sa nagkagusto ka ulit sakanya hanggang sa makagraduate kayo ng highschool.

Di mo sya nakita ng almost 2 years kasi sa Manila sya nag-aaral, then nagkaron kayo ng HS reunion at nagtapat sya sayo na may gusto nga sya sayo, sa text. Pero syempre kinilig ka kasi nanghingi pa talaga sya ng number mo sa mga friends mo. Yung effort palang na ganun, nakakakilig na talaga. But then you answered 'you're just drunk' tapos nun, nagpalit ka ng number. And then after 2 years again, nagkareunion kayo at dun ka na nagtapat sakanya na interesado ka rin sakanya.

Imagine, bale 8 years ang construction ng mutual relationship nyo but after 4 months....wala, nasira yun. Hindi maganda o hndi matibay ang mga materyales na ginamit ni tadhana para mabuo yung tulay nyo to reach each other. And that was a total......shit.

*1 message recieved*

'Jann...ayoko na, break na tayo. Di ka nagbabago, nung highschool ka pa ganyan. Gumagawa ka lagi ng kwento.'

T-teka...ano to? Joke? Mareplayan nga tong pesteng to.

'Hoy, another prank? Ikaw talaga, alam mo namang ayoko sa mga ganyan eh.' I reply.

'Di to joke. Di ka nagbabago eh.'

'Teka nga, ano ba to? Anong hindi pa rin ako nagbabago? Anong ginawa kong kwento? Pwede paki-explain ng maayos kasi ang labo-labo mo.' naiinis kong sagot.

'2 years kitang niligawan? Pwede ba Jann, hindi ko ginawa yun!'

'Ha? Wait, sino naman ang nagsabi sayo nyan?'

'Marami sila, di na yun importante, basta, break na tayo.'

Kaka-highblood ah!

'Aaah, so hindi mo ako pakikinggan? Wala kang pake sa side ko? Mas paniniwalaan mo yung ibang tao kesa sakin ganun?'

'Tama na nga. Ayoko na.'

'Fine! Pero bago yan, eto muna ah, di ako makikipag-break kasi ang alam ko, HINDI NAMAN TAYO, pangalawa, anong gumagawa ako ng kwento at hindi ako nagbabago simula pa nung highschool? Okay, I won't go further to that. pangatlo, UULITIN KO, HINDI TAYO..nagconfess KA sakin 2 years ago, I did confessed as well 3 months ago na may CRUSH ako sayo, crush lang...hindi ko naman alam na you would took it seriously...and you would think na tayo? Yun lang. Thank you, kasi may natutunan ako, natutunan ko na hindi lahat nang tao, marunong makinig both sides. Bye. PS, DON'T EVER CALL ME JANN, HINDI TAYO CLOSE..'

Binura ko na ang fb account ko at kasabay nito ang pagkabura NYANG PESTE SYA sa buhay ko. Ayun na eh, mafo-fall na ako but then, ganun? Ready na sana ako mag-commit ng LDR eh, pero wala, I was so disappointed like heck. Bwisit sya.

Well that messenger convo was happened years ago....year 2013. Pero ewan ko, BV pa rin ako sa lechng yun. Ooops uunahan na kita, o kayo, na nagbabsa neto, HINDI AKO BITTER. Sadyang bwisit lang talaga syang gago sya. Biruin mo ba namang hindi ako pinag-explain? O kahit ipaliwanag nya man lang sakin kung ano ba yung lintik na problema nya sa buhay na peste sya. Di ba? Pinaniwalaan nya pa talaga yung ibang tao? At ang ikinagagalit ko pa, ang walang hiya, akala nya, KAMI? Swear to my yellow panty, we were not!! Porque, our feelings were mutual, ganern ganern nalang??!!! Hoooy! Hindi ako naging singgooool(single) ng 19 years para lang maging syota sya without ligaw noh! Kapal nya. Porque may itsura sya? Peste! Pwe!

HER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon