UNANG KASUB-ANAN

39 1 0
                                    


Dahan-dahang nilalakbay ni Grasya ang pagitan ng mga taong nakamasid sa kanya habang hawak ang mahalimuyak na mga rosas, at suot ang mahabang damit na may makikinang na mga perlas. Sabay sa bawat hakbang niya ang mga taong nakangiti at sabay-sabay na nagpapalakpakan. Maririnig din mula sa mga tao ang walang tigil na hiyawan. Puno ng papuri sa taglay na kagandahan ni Grasya, at may halo na ding pang-aasar para sa magaganap. Mahahalata din sa galaw ng mga tao na sila ay natutuwa na makita si Grasya na matupad ang isa sa kaniyang pangarap. Tila huminto ang buong paligid at napakatagal niyang nilakbay ang pasilyong may pulang karpet. Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin siya sa tuwing iniisip ang maaaring mangyari pagkadating niya sa dulo. Tanaw na niya sa dulo ang isang tao nanakatayo at naghihintay sa kaniya.

Sa dulo ng pasilyo,makikita ang isang pares ng mga mata na kumikislap na waring nananabik sapinakahihintay. Suot ang kamisetang puti, kapares ng itim na pantalon atsapatos. Espesyal na seremonya ang naganap, andiyan ang sabay silang patatayuinat may babasahing mga berso. Parang isang sirang plaka na paulit-ulit ngunithindi nakakasawa nilang ginawa. Nagsimula ng banggitin ng dalawa ang mgapangako nila sa isa't-isa.

"Grasya, narito ako sa iyong harapan para mangako nahindi kita iiwanan kahit kailan. Lagi mo akong masasandalan sa oras ngkagipitan. Sabay nating tutuparin ang ating mga pangarap. Nangangako ako naaalagan kita at hindi pababayaan," sambit ni Karlo habang nakatitig samakikinang na mga mata ni Grasya.

"Karlo, nangangako ako sa harap ng maramingtao at sa panginoon na hindi kita pahihirapan at pababayaan. Ikaw ay akingmamahalin ng buong puso. Nangangako ako sa iyo na sabay nating pagagandahin angating kinabukasan. Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga ko sa ating magiging mgaanak," humihikbi ngunit natatawang sambit ni Grasya kay Karlo. 

Binasbasan na ngKura Paroko ang dalawa, muling nagsalita ang Kura Paroko habang nakatingin kayKarlo, "Hijo, maaari mo ng halikan ang iyong pinakamamahal."


Nabuhay na namanang hiyawan sa buong paligid. Ang lahat ay kinikilig at nababalot ng ligayapara kina Karlo at Grasya. Matagal din bago natapos ang seremonya ng pag-iisangdibdib nilang dalawa. Makikita sa mga mata at labi nila ang abot-langit nakaligayahan. Sabay na nilisan nilang dalawa ang altar at lumapit sa kanilangmga bisita. Hindi pa nagtagal, nagsimula ng maubos ang mga tao sa loob ngsimbahan. Hindi pa rin mabura sa kanilang mga labi ang makikinang na mga ngiti.Ngunit nabigla ang lahat ng biglang yumanig ang buong paligid. Kitang-kitanilang dalawa ang pagkabasag ng mga bintana na malapit sa kanila. Maririnig nadin ang sunod-sunod na pagsabog sa loob at labas ng simbahan. Napalitan ngtakot ang kaninang masasayang mga tao. Nagsimula ng magkalamat ang mga pader,unti-unti na itong nawawasak. Nagkahiwalay sina Karlo at Grasya dahil sakagimbal-gimbal na kaganapan. Kitang-kita ni Grasya kung paano bumagsak angisang malaking bato kay Karlo. Agad niyang sinugod ang daan papalapit saminamahal kahit na patuloy pa rin ang pagulan ng alikabok at mga bato. Humahagulgolna hinagkan ni Grasya ang walang malay na si Karlo.    

KASUB-ANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon