IKALAWANG KASUB-ANAN

18 0 0
                                    

Biglang napabalikwas si Karlo sa pagkakahiga ng madama ang panginginig ng kaniyang unan, tumutunog na pala ang kanyang orasan. Maya-maya pa, narinig niya ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniyang pangalan, at ang kalabog sa kaniyang pinto. Walang ganang naglakad si Karlo papalapit sa pinto ng kaniyang silid.

"Anong oras na naman? Mahuhuli ka na naman sa iyong klase! Bilisan mo at kumain ka muna bago umalis," salubong ng ina ni Karlo.

Wala pa ring ganang nag-ayos si Karlo. Matagal siyang nanatili sa loob ng banyo, dinama niya muna ang malamig na tubig na dumadaloy sa kaniyang mga balat. Tubig na kasing lamig ng nararamdaman niya ngayon. Hindi na nawala sa isipan ni Karlo ang nangyari sa kaniyang panaginip.

Nagsuot siya ng itim na damit at maong na lubha ng kupas, tanda ng pagibig at tiwala na sinira ng kaniyang minamahal. Halata sa ikinikilos ni Karlo ang malubhang kalungkutan. Hindi na niya magawa pang ngumiti sa harap ng kaniyang ina. Kumuha siya ng kakainin, hindi na tulad dati na may kanin ang kaniyang almusal. Mas lalo tuloy bumigat ang nararamdaman ni Karlo ngayon. Pakiramdam niya lahat ng nasa kaniyang paligid ay biglang nagbago. Nagpaalam na siya sa kaniyang ina bitbit ang pandesal na hindi na mainit at walang palaman.

Natatakot si Karlo kung papaano haharapin ang mga maaring mangyari. Sumilip muna siya kung maagang pumasok si Grasya, at hindi nga siya nagkamali dahil masaya na itong nakikipagkulitan sa ibang kamag-aral. Nakayukong pumasok si Karlo sa kanilang silid-aralan at agad tumungo sa kaniyang upuan. Walang batian ang naganap, at tila hangin lamang ang pagdaan ni Karlo.

Marami sa kaniyang mga kamag-aral ang nakapansin sa ikinikilos ni Karlo. Maging ang kaniyang mga kaibigan ay nabigla sa kaniya. Biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanila, wala na ang dating masiyahing Karlo. Hanggang sulyap na lamang ang nagagawa ng binata kay Grasya. Hindi na niya ito magawang lapitan pa.

KASUB-ANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon