IKATLONG KASUB-ANAN

17 0 3
                                    


Oras na para sa uwian ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kaniyang kinalalagyan. Hinihintay na mawala ang lahat ng kakilala sa loob ng kanilang silid. Maya-maya pa ay tumayo na din siya at naghanda upang umuwi.

Usap-usapan sa labas ng kanilang paaralan ang ugnayan na mayroon sa pagitan nina Grasya at Julio. Naiinggit na nakikinig si Karlo sa mga tao, nakayuko pa rin at nakatayo sa ilalim ng puno. Kita sa mga mata ni Karlo ang selos at ang namumuong luha na malapit ng sumabog.

Tinakbo na ni Karlo ang daan papalayo sa kanilang paaralan. Pero hindi na niya kinaya ang nararamdaman. Lumuluhang nilakbay ni Karlo ang daan patungo sa kanilang tahanan.

Hindi na nagawang batiin ni Karlo ang kaniyang ina, maging ang kumain pa. Agad na siyang tumungo sa kaniyang silid, at inilabas ang sama ng loob at sakit na kaniyang nararamdaman. 

"Minahal kita ng sobra, pero bakit nahulog ka pa sa iba! Ano bang pagkakamali ang nagawa ko? Ibinigay ko naman lahat ng atensyon ko sa iyo, kulang pa ba?" sambit ni Karlo habang malamig na nakatitig sa mga larawan ni Karlo. 

Isa-isa niyang binaklas ang lahat ng larawan na nakadikit sa pader ng kaniyang silid. Hindi pa rin natatapos ang pag-agos ng luha sa kaniyang matamlay at malungkot na mukha. Ilang sandali pa, nakatulog na si Karlo na may natitirang luha sa kaniyang mga mata, dahil na din sa pagod at gutom na kaniyang nadama.

KASUB-ANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon