Dalawampung minuto
Bibigyan kita ng dalawampung minuto
Para itama yang mga pagkakamali mo
Dalawampung minuto
Para ipaliwanag sakin kung anong pagkukulang ko
Dalawampung minuto
Para mangatwiran kung bakit mo yon nagawa
Dalawampung minuto
Kasi alam kong kulang pa ang sampu
Kasi alam kong magiisip ka pa para lang maisalba yang sarili mo
Dalawampung minuto
Para lokohin uli ako at paniwalaing mahal mo nga ako
Dalawampung minuto. . .Pero pagkatapos ng dalawampung minuto mo sana bigyan mo rin ako nito.
Dalawampung minuto
Para makapagisip at makalakad ng malayo layo mula sayo.

YOU ARE READING
Tula. Bow
Поэзияcompilations of poems made by yours truly. ~Plagiarism is a crime.~