Tipo ng Babaeng

29 1 0
                                    

Paano ka nga ba
saakin magkakagusto
Eh ako lang naman yung tipo
ng babaeng makikita mo sa kanto

Hindi kasi ako yung pang prinsesa
Na bibihisan ng maganda
At sasabihan na mamulaklaking salita
Para mapatawa at lumigaya

Hindi rin ako yung binibining hinahabol
Walang wala ako kay Maria Clara
Na gustong gusto ni Ibarra
Kasi ako lang naman yung babaeng
Hindi naaalayan kahit ng simpleng harana
Hindi din ako maganda at pansinin
Di gaya mong perpekto na kung tutuusin
Hindi ako yung babaeng
maganda sa barot saya
Wala din akong pamaypay
pantakip sa bibig ko
para mas makita mo yung
mga mata kong
hindi din naman mapupungay
Di tulad ng sa kanya

Hindi ko masasabing may laban ako sa kanila
Kasi kahit sa mga simpleng bagay halata namang lamang sila
Ako lang naman kasi yung babaeng
Handa kang ligawan
Kapag wala na talagang ibang paraan
Mapasaakin ka lang
Hindi din ako magpapatalo
Ako'y magiging Gabriela Silang pag dating sayo
Susugod ako sa gera kahit ilan pa maging kalaban ko
Ako yung babaeng hindi mo gugustuhing habulin
Kaya ako na lang ang hahabol
Aarte pa ba kasi ako
Eh ako lang naman yung tipo ng babaeng
Hindi mo tipo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula. BowWhere stories live. Discover now