Hiling

15 1 0
                                    

Ikaw ang hinihiling
sa bawat pilikmatang
Nalalagas mula sa mga mata kong
Ikaw lang ang nakikita
Sa bawat 11:11
Na hinihintay ko
tuwing naiisapan
Kong magbakasakali ulit
kasi baka ngayon gumana na
Sa bawat baryang hinuhulog sa wishing well iniisip kong masaya siguro kung sa susunod kong pagpunta dito ay kasama na kita
Sa lahat ng pagkakataong pede akong humiling
Pangalan mo lang ang nasasambit
Ng mga bibig nang umaasang tanga na ito
sana malaman mo
Na kahit alam kong hindi magkakatotoo
Umaasa padin ako
Kasi malay mo
Mamaya ako din pala ang hinihiling mo.


*inspired by kung paano gumawa si Fidel ng tula 😂*

Tula. BowWhere stories live. Discover now