Silence

29 2 11
                                    

Hindi ko na na-enjoy ang one week na outing sana namin sa resort nang Dauin.




Paano pa ba ako mag-eenjoy? Wala si Ash at ang worse galit pa siya sa akin. Pag naalala ko yung tingin niya sa akin, sobrang naiiyak ako. Hindi man lang siya  nagpaalam sa amin na mauuna na siya bumalik ng Manila. Ganoon ba talaga kalaki yung galit niya sa akin?.

Ito na din yata ang pinaka-worse na away namin. Hindi ko na alam kung maaayos ko pa ito. Baka kailangan niya lang talaga  ng space.




Napabuntong-hininga nalang ako. Pabalik na din kami ng Manila at nakasakay na kami nang van ng resort. Buti nalang ganito yung service nila, hatid sundo yung mga guests nila.


"Ang lalim nun ah," pansin naman ni Jason.



"Sa tingin mo Jay, magkakaayos pa kami?" hindi ko siguradong tanong sa kanya.


"Hay.. dapat si Ash nga ang nasa lugar mo ngayon, siya dapat ang nag-iisip kung paano kayo magkakaayos, hindi ikaw. Alam ko hindi ko dapat sinasabi ito dahil kaibigan ko din si Ash pero sumusobra na siya Chris. Bakit kaya mo pa din siyang tiisin? you deserved someone better Chris," sabi naman nito.



"At si Jason yun," si Gerald naman.




"Alam mo naman na mahal na mahal ko si Ash, Jay kaya ginawa ko na sana noon pa ang hiwalayan siya. Baka may mabigat na problema lang siyang dinadala ngayon," pagtatanggol ko naman dito.



"I don't know Chris but maybe you're right baka pressured din siya sa trabaho," sabi nalang ni Jason.




"Pero kayo ni Ash, magiging okay lang ba kayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Oo naman basta nakapaglabas na yun ng sama ng loob at nakapagisip-isip na din iyon. Pag nagkita kami ulit noon balik na kami agad sa dati," assure naman nito sa akin.



"Hmm.. buti pa kayo," naiingit ko na sabi dito.





"Don't worry Chris, magkakaayos din kayo ni Ash," sabi naman ni Robert, nakikinig din pala ito sa pag-uusap namin.







Nakarating na din kami sa airport at nagpaalam na ng maayos kay manong. Diretso na kami sa check in area at hintay nalang ilang oras para sa boarding ng flight namin. Sana nga magkaayos na agad kami ni Ash.


---



After 3 hours na biyahe galing airport dahil nga sa sobrang traffic hinatid na nila ako sa condo namin ni Ash. Nag-good luck pa si Gerald sa akin. Baliw talaga ito kahit kailan talaga.





Kinakabahan ako na na-eexcite at the same time. Pag-open ko ng room namin.. Okay!.. this is it!.. Pero parang wala naman tao sa loob. Naka-off yung lights kaya hinanap ko yung switch para ma on ko ito. Pagbukas naman ng ilaw parang hindi man lang nagalaw yung mga gamit namin, sa natatandaan kong ayos nito?. Hindi ba umuwi si Ash dito? natanong ko nalang sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It All Happened On A Valentine's Day (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon