"Baby, tapos ka na ba mag-impake?" tanong ko kay Ash, na-convinced niya nga ako sumama sa outing nila. Hay..hindi naman talaga ako makahindi sa kanya eh..
"Okay na mga gamit ko Chris, I just need a few of my personal things and besides we can just buy things that we need when we got there so there's no need to pack all of those things in your luggage" sabi naman nito.
"I know, dahil mayaman ka, you can buy all the things you want pero kailangan mo din naman maging praktikal baby. Hindi sa lahat ng bagay andyan ang pera mo. You also need to know how to save baby" sabi ko naman kay Ash.
"Whatever Chris, you can't change me" cold na sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako. Ayaw na ayaw ko kapag nagtatalo kami, hindi ko kasi matiis si Ash pero si Ash kaya akong tiisin.
"I'm sorry baby, hindi na kita papakialaman sa gusto mo" malungkot na sabi ko kay Ash.
"Okay, let's go" malamig pa din na sagot nito sa akin, nanahimik na lamang ako dahil alam kong mas makakabuti yun para lumamig ang ulo ni Ash. Alam kong ako din naman ang may dahilan kaya nag-iba ang mood nito.
Lumabas na kami ng room namin at sumakay sa elevator ng condo papuntang floor kung saan nakapark ang kotse ni Ash. Wala pa din kaming imikan ni Ash hanggang sa nasa loob na kami ng kotse.
"Hello Jason, ready na ba kayo?. Sige, magkita nalang tayo sa airport, we're on our way" seryosong sabi nito sa kabilang linya at tinapos agad ang tawag.
Tahimik pa din kami habang nasa biyahe. Pero ayaw ko ng ganito kami kaya ako na ang unang nagsalita sa amin.
"Baby, sorry na.., bati na tayo please.."plead ko dito.
"Hmm..you just ruin my mood Chris."
"Alam ko yun baby kaya nagsosorry na ako. Alam mo naman na ayaw ko pag galit ka sa akin at hindi mo ako kinakausap baby" naiiyak na sabi ko na dito.
"Hay...okay, huwag mo na sana ulitin. Muntik ng mawala ang gana ko sa outing na ito Chris, naiintindihan mo?" medyo cold pa din na sabi nito sa akin.
"Yes baby, hindi na mauulit. Bati na ba tayo?" unsure na tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero bigla nalang ako hinalikan ng smack sa lips kasi syempre nagmamaneho pa siya, buti nalang wala kaming nakakasalubong na sasakyan. Alam naman siguro nito ang risk ng ginawa niya at sobrang bilis naman din ng pagkiss niya sa lips ko. Napangiti nalang ako sa kanya, at least bati na kami.
After almost an hour sa biyahe, nakarating na din kami sa airport at bumaba kami agad. Nakita naman namin sila Jason kasama nung iba pa nilang kabarda at may mga girlfriend din na kasama except kay Jason at Gerald.
"Buti naman at nakarating na kayo, akala namin matatagalan pa kayo Ash. Knowing you, baka ano pa ginawa mo kay Christine" biro ni Robert sabay kindat sa akin.
"Hahaha, you know me well Rob but we have all the time to do those things when were already on our destination, right baby?" tanong naman ni Ash sa akin. Namula naman ako at tumango nalang sa kanila.
"Wow, kayo na may partner pero kami ni Gerald, doon nalang maghahanap diba bro?" si Jason.
"Yeah!..baka magsisi pa kayo bakit dinala niyo pa mga partner niyo..hahaha" biro naman ni Gerald at tiningnan naman siya ng masama ng girlfriend nina Robert at Willian na ikinatahimik nito.
BINABASA MO ANG
It All Happened On A Valentine's Day (GxG)(Lesbian Story)
Fiksi UmumKung sana nauna pa ako ng ilang minuto. Kung sana sinamahan ko nalang siya at hindi na iniwan pa. Pero huli na..huling huli na ako.. -Ashley Vergara