That Should Be Me

36 2 5
                                    

Ang dami kong sinayang. Yung babaeng kaya akong tiisin. Yung babaeng kaya akong ipaglaban. Yung babaeng lahat gagawin para saakin. Yung babaeng mag-eeffort para mapasaya ka. Yung babaeng di maarte. Lahat. Lahat sinayang ko. Dahil, napakawalan ko sya.

***

Hanggang ngayon pinagsisisihan ko parin yung nagawa ko kay Chloe. Kung pinaalagahan ko sana sya una palang hindi na sya nawala saakin.

Tatlong taon na kaming wala ngayon. Naghiwalay kami dahil wala akong kwenta. Ang dami na nya palang nagawa saakin hindi ko lang pinapansin. Hindi ko napansin na sya lang iyong nasa tabi nung mga panahong nalulungkot ako at wala akong alam takbuhan. Sya lang iyong taong mag-e-effort para lang mapasaya nya ako lahat gagawin nya, kahit na magpapanget ng mukha, magkilos lalake, at kung ano-ano pa. Noong nilagnat ako sya nag-alaga at umasikaso saakin. Tatlong araw din yun. Pinapauwi ko nalang sya noon e, dahil kako baka mahawa sya. Pero tumangi sya kasi daw malakas sya kaya hindi sya dadapuan ng sakit.

At ang pinaka matindi nyang ginawa ay noong birthday ko. Tinanong nya saakin kung ano ang gusto kong regalo, sabi ko wala. Ang gusto mo lang e makasama sila Mama at Papa dahil matagal ko na silang hindi nakakasama at miss na miss ko na sila. Nasa ibang bansa kasi sila dahil sa business namin.

Nung sumapit ang birthday ko ang akala ko nakalimutan nya dahil hindi nya ako binati. Lahat nalang ng mga kaibigan namin bumabati na saakin pwera nalang sya. Pagkauwi ko nang bahay andoon sya. May mga ballons, may mga paborito naming pagkain, at may mga naka dikit sa pader na 'Happy Birthday Reece' . Grabe sobra syang nag effort. Ang akala ko 'yon lang. Pero nagulat ako noong bilang bumukas 'yong pinto at nakita ko sila mama at papa may dala pa silang cake.

Alam ko gawa to lahat ni Chloe. Hindi ko alam kong paano napapayag ni Chloe sila mama na umuwi dito. Pero sobra ang pasasalamat ko sa kanya noong araw na iyon.

Ang dami na nyang nagawa saakin! Pero tangina naman!! Bat kasi hinayaan ko pa syang mawala saakin.

***

Pumunta akong mall para maglibot. Para malibang ng konti. Nang napagod at nagutom na ako nagpasya akong pumunta sa isang fastfood. Pagpasok ko kaagad kong nakita si Chloe. Akala ko nga hindi sya 'yon e. Lalapitan ko sana sya kaso biglang may dumating na lalake may dalang pagkain. Kita ko sa mukha ni Chloe na tuwang-tuwa sya paborito nya kasi yung pagkain na dinala nung lalake. That should be me makin' you smile.

Dumaretso na lang ako sa counter at umorder ng pagkain at umupo sa sulok para di nalang ako mapansin ni Chloe.

Pagkatapos kong kumain naglibot-libot muna ako. Papunta na sana ako sa Arcade nang makita ko yung mga tao nagkukumpulan. Tiningnan ko kung ano iyun dahil tumitili yung mga tao at mukhang kinikilig, nang Nakita ko kung sino yung tinitilian nila, si Chloe at yung kasama nyang lalake kanina. Sinurprise nya si Chloe. May mga sumasayaw, at may banner pa na ang nakasulat ay "Happy Anniversary Babe" at binigyan nya ng bulaklak si Chloe. Napapaiyak na si Chloe dahil siguro sa sobrang tuwa. Bigla ko nanaman naramdaman na napaka wala kong kwentang tao. Ako dapat yung gumagawa nyan at ako nalang sana ang nagpapasaya sa kanya e. Ako dapat iyong gumagawa ng lahat ng iyon kay Chloe. THAT SHOULD BE ME.

Nagpasya nalang ako na umuwi ng bahay. Baka kung tuluyan ko pa silang panoorin lalo lang madudurog ang puso ko.

***

Rrrrrrriiinnngggg!

Busit naman ang aga-aga istorbo to! Kinuha ko 'yong cellphone at kaagad kong sinagot alam ko namang si Blake lang to.. "Oh bakit"

"Asan kana?"

"Bakit ba ang aga-aga plang e"

"Anong ang aga! Hoy Monday ngayon may pasok!"

Hinagis ko yung cellphone ko sa kama at hinayaang kong magsalita mag isa si Blake. Nagmadali akong pumunta sa cr para maligo.

Pagkatapos kong mag-ayos nagbyahe na ako papuntang school. Binilisan ko ang takbo ng kotse. Ayaw ko kasing ma late dahil first subject nmin 'yung masungit na teacher.

Pagdating ko ng school tumakbo ako papunta sa room namin, habang tumatakbo ako nakita ko si Chloe sa hallway kasama yung bagong boyfriend nya magkahawak sila ng kamay habang naglalakad. Bigla ko nanaman naalala nung panahong kami pa.

That should be me holding your hand.

Pagdating ko ng room magulo pa 'yung mga classmates ko dahil wala pa yung prof namin. Buti nalang. Pagka upo ko doon palang dumating si Mrs. Pangilinan. Wow galing ng timing ko. Hahaha. Nag discuss lang sya. Pero walang pumapasok sa utak ko dahil naiisip ko si Chloe.

"Okay thats all for today. Class dismiss." Hindi ko napansin na tapos na pala syang magdiscuss. Nang makalabas nkami napagpasyahan ko munang pumunta sa field para magpahangin mamaya pa naman yung susunod naming klase.

Pagdating ko doon kaagad akong umupo at pinanood ang mga nagttraning ng football. Bigla akong napalingon sa kaliwa at napansin ko si Chloe na nakaupo at nanonood din.

Parang mayroon nagsasabi sa akin na "Sige lapitan mo" at parang mayroon ding pumipigil. Nag dadalawang isip ako.

Bahala na nga kakausapin ko na sya. Wala naman sigurong masama kakausapin ko lang naman sya.

"Hi, kamusta?" Tiningnan nya ako at nag smile sya.

"Okay lang, ikaw?" Tanong nya saakin.

"Okay lang din naman."

"Ah."

"Chloe tagal na din pala no" bakas sa mukha nya ang pagkataka dahil nakakunot ang noo nya.

"Ang alin?" Tanong nya. Nagtaka nga sya.

"Simula nung maghiwalay tayo"

"Ahhh. Oo nga e"

"Alam mo ba araw- araw pa rin kitang iniisip. Kapag nakikita kita gustong gusto kitang kausapin pero pinipigilan ko lang yung sarili ko. Baka kasi hindi mo lang ako pansinin. Pinagsisihan ko lahat ng nagawa ko syo. Chloe sorry ah"

"Ano kaba ayus na yun tsaka matagal na din naman yun."

Bigla ko nanaman naalala lahat ng kabutihan na ginawa ni Chloe saakin.

"Chloe....mahal pa ri----"

"Hi Babe" Biglang sabi nya kay Chloe. Varsity pala dito sa school yung boyfriend nya.

"Sobrang pagod ng itsura mo. Hahah" sabi ni Chloe sa kanya.

"Oo nga e. Hahah kailangan ko ng Yakap-sol para ma full charge ako"

Akala ko yayakapin nya pero nabigla ako sa ginawa ni Chloe. Bigla nyang hinalikan sa pisngi. That should be me feelin' your kiss.

"Ikaw babe ha. Hahaha super full charge na ako. Tara kain na tayo?" Yaya ni Keil kay Chloe.

"Osige tara."

"Reece una na kami ah." Paalam sa akin ni Chloe at nginitian nya ako.

"Ah. Osige ingat kayo."

"Salamat brad." Sagot ni Keil at nginitian ako.

Habang pinapanood ko silang papalayo naisip ko na, dapat ako yung kasama nya ngayon, dapat ako yung kasabay nyang kumain, dapat ako yung nasa tabi nya ngayon.

That should be me, holdin' your hand
That should be me , makin' you laugh
That should be me, this is so sad
That should be me, that should be me
That should be me feelin' your kiss
That should be me, buyin' you gifts
This is so wrong, I can't go on
Do you believe, that should be me♪♪

Ngayon ko lahat naisip na kung nasa iyo na yung taong kaya kang mahalin ng buo at kayang gawin lahat para syo wag mo nang pakawalan pa.

Sana Chloe wag ka nang iwan at saktan ng bago mo ngayon. Sana alagaan ka nya ng tama. Sana maging masaya ka na sa piling nya.

Paalam.

---

Wohhhh hey hahaha :D Thank you for reading po.

Godbless:*

(09-22-16)

THAT SHOULD BE ME - One ShotWhere stories live. Discover now