naranasan mo na ba na pumunta sa isang lugar na unang beses mo pa lang napupuntahan? at nakaramdaman ka nalang na parang mabigat yung pakiramdam mo sa lugar na yun sa di maipaliwanag na dahilan na parang may mga matang nakamasdi sa bawat ginagawa mo ? at palaging parang may nakasunod sayo pero wala naman ...
nandito ako ngayon sa lugar kung saan nakatayo ang bahay na binili ko .. di ko alam kung gaano naba ito katagal .. kung kasingtanda koba o mas matanda pa sakin .. pero kung ako ang tatanungin . mukha itong napakaluma para itayo sa syudad na ito . masyado itong naiiba sa mga bahay na nandirito .. makalumang disenyo .. parang bahay nuong sinaunang panahon .. ang kagandahan lang ay malilinis at kumpleto ang gamit nakita ko nung bumisita ako dito para tignan kung ano ang itsura ng loob , mukha siyang nakakatakot sa labas pero bawing bawi naman sa loob . .. siguro dahil matagal ng walang gustong tumira . at ako lang ang nangahas ...
"amm miss walang tao jan matagal ng inabanduna yan kahit tung caretaker niyan umalis na din " bati sakin ng isang matandng biglang sumulpot sa tabi ko na di ko malaman kung san nanggaling ..
"ahh hindi ho. ako na po ang may ari ng bahay na to simula ngayon .nabili kona po sa may ari ..ngayon nga po ang araw ng paglipat ko dito" sagot ko naman dito saka ko siya nilingon ..
"ha? nako miss bat yan pa napili mong bilhin ?andaming magagandang bahay dito ohh tignan mo naman ang itsura ng bahay na yan .. nakakatakot .. madami pang multo " pagtatanong nito habang tinitignan ang itsura ko na parang sinasabe na di ako nababagay sa ganitong bahay ..
"multo ho? hindi naman po ako nagpapaniwala sa mga ganun saka ang pinagpapakitaan lang po nila ay yung mga taong naniniwala na nag eexist sila sige ho pasok na po ako ." sagot ko rito di kona din siya hinintay na magsalita at gustong gusto ko ng makahiga ..
ng pagpasok ko sa bahay , gaya ng naabutan ko nung una walang pinagbago mas mukha pa itong gumanda siguro dahil pinalinis nung may ari sa huling pagkakataon .. agad akong pumunta sa isang kwarto un ang gagawin kong kwarto habang ung isang kwarto naman ay para sa mga bisita ko na gustong mag sleep over mag isa lang kase ako pero may dalawang kwarto ang bahay na to .. sakto lang ang laki para sa dalawang tao .. pero dahil nag iisa lang ako nalalakihan pa din ako .. binili kona din ako na bahalang mag remedyo sa mababang halaga nakuha ko ang bahay na to .. natuwa kase sakin ung may ari dahil sa kabila ng mga sinabi nya tungkol sa bahay na to ay binili kopa din .. naalala kopa ung mga sinabe niya sakin .
"wala ng bumibili ng bahay na yun dahil sa mga usap usapan nung mga malalapit na bahay don ...
...ang sabi kase nila base sa sinabe nung unang buyer bago ikaw , madami daw multong nagpapakita sa bahay na yun ....
... minsan may mga naririnig sila na iyak sa dis oras ng gabi .. nakakakilabot na iyak na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa ....
....minsan naman daw pag titingin sila dun pag gabi na makakakita sila ng babaeng duguan ...
...may isa pa ngang lalaki na nagkkwento na nung nalasing siya naisipan nyang umihi sa tabi ng puno na nandun di kalayuan sa bahay na un bigla nalang daw may sumitsit sa kanya kaya hinanap niya hanggang sa dinala siya ng mga mata nya sa bintana ng bahay na yun at nakita nya ang babaeng duguan ....
...madami pang kwento tungkol sa bahay na yun pati nga caretaker nun ay umalis na dahil sa kakaibang nangyayare sa loob ng bahay na yun ....
....pwede pang magbago isip mo .. di naman ako magtataka kung aatras ka sa pagbili ng bahay matapos mong marinig lahat ng iyon di ko naman ipagkakait sayo ang katotohanang iyon dahil ikaw din ang mag mamay ari nun kjng sakaling bilhin mo .. isa pa ayokong kumita ng pera kasabay ng pagiging miserable ng buhay ng ibang tao"