maliit ito .. may hawak na parang baul .. totoo .. kitang kita ko ..
ako si keana .. lola's girl ako .simula bata kase siya na yung nag alaga sakin . siya na yung naging magulang ko . siya lahat . kaya mahal na mahal ko yun .close na close kami non .tabi kami lagi matulog .. hindi na nga ko nakakatulog pag wala siya sa tabi ko ii .at madali akong nagigising pag wala na siya sa tabi ko .. palagi kaming magkasama . kahit san siya magpunta .. nandun ako . kasama niya ..
taghirap kami nun sa tubig . palaging nawawalan ng tubig yung gripo namin ng nawasa kaya nag tyatyaga kami sa isa pa naming gripo na tubig alat .. sabi ng kapitbhay namin twing madaling araw daw nagkakatubig ang nawasa yun kase pwede ding inumin kaya mahirap pag walang tulo yun .. kaya ang ginagawa ng lola ko gumigising ng madaling araw .at dahil madali akong magising pag walasiya sa tabi ko nagigising dnn ako tinutulungan ko siya hanggang sa makapuno na kami ng mga lalagyanan namin ng tubig minsan bumabalik kami satulog minsam naman hindi na ..
isang gabi nagising ako .wala ang lola ko . hinanap ko siya sa taas namin wala sa may kusina wala din .. nakita kong bukas ang pintuan inisip ko na baka lumabas saglit kaya naghintay ako sa pinto ..
"ohh bakit gising kana madaling araw palang ahhh matulog kana ulit don" sabi ng lola ko sakin habang may buhat buhat na timba nag iigib na pala siya ng nawasa may tulo na ..
ang ginawa ko tinulungan ko nalang siya ako yung taga bomba .. malapit lang naman yung pinag iigiban namin yung gripo kase namin nakapwesto sa tabi ng bakuran namin na may maraming tanim .. sa likod bahay .. kaya yun lalakad pa ng konti bago kami makarating don ..
madilim pa nun alas dos palang ata ng madaling araw non tanging liwanag ng bwan lang ang nagsisilbing liwanag namin wala namang kaso yun samin kase wala namang dapat ikatakot ..
nagbobomba ako non ng timba at ang lola ko ang nagbubuhat .. sa edad na 67 malakas pa ang lola ko ..dalawang timba ang ginagamit namin .. isa pinupuno ko habang sinasalin niya yung isa ..
ng mapuno na yung isang timba , binuhat na ng lola ko pauwe sa bahay at naiwan akong magisang pinupuno pa ang timba na naiwan ..
di ako natatakot non kase nililibang ko ang sarili ko binibilang ko sa isip ko ang bawat pagbaba ng hawakan ng bombahan namin ..
sinabe ko na tapos na daw kami mag igib kaya pagkabuhat nya ng huling timba ay sumunod na din ako medyo nauuna siya sakin ..
ng mapadaan ako sa isang papag na nakatayo ng patagilid at nakasandal sa pader ng bakod ay may naaninagan ako na parang maliwanag na bagay ...
napatitig ako dito ..
nung una'y hindi ko malaman kung ano iyon .. pinikit pikit kopa yung mga mata ko ng ilang ulit pero twing bubukas ang aking mga mata andun pa din ang pinagmumulan ng liwanag ..
nakita ko ang dalawang maliliit na tao na may mahahabang tenga at nakasuot ng damit na makintab na kulay pula at berde , may sumbrelo din ito na patulis ganun din ang mga sapatos nito at ang pinagmumulan ng liwanag ay isang baul na kulay yellow na sa tantya koy may lamang ginto .. nakangiti ang mga ito sakin ..
sa takot ko ay binilisan ko ang lakad bitbit ang kaba sa dibdib at ang pawis na biglaan nalang nagsibagsakan ..
pagdating ko sa bahay ay napaupo ako sa harap ng pintuan sa tindi ng kaba na nakapag palambot ng aking tuhod agad namang dumating ang lola ko ..
"ohh eto pa pala isa last na tawagin moko pag puno na at magtitimpla ko ng kape natin " sabi nito ..
dahil sa sinabe nyang iyon ay lalong nakapag padagdag ng kaba sa dibdib ko .. labag man sa aking kalooban ay sinunod ko din ang kanyang sinabe minabuti ko nalang na wag tignan ang papag na nakasandal sa gilid ng pader ng bakuran namin at tumingin lamang sa tubig ng diretso libangin ang sarili iwaglit sa isipan ang nakita at isiping itoy guniguni lang ..
ng mapuno ay tinawag ko ng pasigaw ang lola ko upang puntahan agad kung nasaan ako naroroon ngunit di agad ito lumapit kaya nagpasya akong lumakad na pauwe samin binilisan ko ang lakad ko pero ng natapat ako sa papag sa may bakuran ay parang kusang nag slowmo ang lakad ko at kusa ring umangat ko ang mukha mabilis na umikot ang mata na wariy may gustong patunayan sa sarili ..
ngunit wala akong na kita .. awa ng diyos wala akong nakita na kahit na ano ipinagsawalang bahala ko nalang ito at tinuring na isa itong guniguni bago ako makalapit sa bahay ay nilingon kopa ulit ang papag na iyon at laking gulat ko ng makitang andun na naman muli ang dalawang taong maliit na may baul na naglalaman ng ginto nakangiti ito sa akin .. agad akong tumakbo papasok sa bahay at sinarado ang pintuan ..
kinabukasan ..
mataas ang aking lagnat , mabigat ang pakiramdam , hinang hina at walang ganang kumaen , hirap din magsalita at nanlalabo ang mga mata sa sobrang hilo ..
lumipas ang ilang araw at walang nagbabago sa kalagayan ko kaya napagpasyahan ng lola ko na magpatawag ng albularyo ..
pagkakita palang sakin ng albularyo ay may sinabe ito sa lola ko ngunit di ko narinig ..
agad na hinanda ng albularyo ang kanyang mga gagamitin at ng matapos sa kanyang orasyon ay sinabe nya sa lola ko na may dalawang duwende daw na gusto akong kunin sa mundong ibabaw upang maging kanilang anak maging tagapagmana ng kanilang yaman ..
ng makaalis ang albularyo ay kinausap ako ng aking lola tungkol sa nangyayare sakin at nag aalangan man ay kinwento ko sa kanya ang nakita ko sa may papag nung gabing kami ay nag iigib .. makikita aag takot at kaba sa mukha ng aking lola sa aking mga sinabe .. agad siyang lumabas at ginawa nag bilin ng labularyo sa kanya para daw mapaalis ang mga duwendeng nakamasid sa akin ..
'basta kahit anong mangyare, wag kang sasama sa kanila apo "