Chapter 1: Friendship

133 1 2
                                    

Tunay nga na ang kaibigan ay katulong natin sa pagresolba ng ating mga problema, kasama sa kasiyahan at kalungkutan ngunit gaano man kaganda ang inyong pagkakaibigan ay may mga balakid pa rin na pilit sisira nito.

Sina Carla, Aliyah, Roxanne, Nerissa, Angelica, Jamaine , Maica, Zyril, Marjorie at Patricia ay magkakaibigan simula ng High School.

Sila ay galing sa mayayamang pamilya kaya't lahat ng kanilang luho ay nasusunod, ang bibilihin ng isa ay bibilihin ng lahat ngunit habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan ay mas lalong dumarating ang mabibigat na problema at balakid na dahilan upang masira ang kanilang pagkakaibigan.

Napagpasiyahan nila Jamaine, Maica, Zyril, Marjorie, Patricia at Nerrisa na humiwalay. Apat na lang sila na pinagpatuloy ang pagkakaibigan.

Maraming mga problema ang kanilang kinaharap at nagawan ng solusyon ngunit dumating ang isang problema na naging dahilan upang humiwalay si Aliyah.

Pinagpatuloy ng tatlong natira ang kanilang magandang nasimulan.

Nag-away si Roxanne at Carla, umalis si Roxanne at nagpasyang lumayo.

Nalaman ni Carla na hindi pala totoo ang narinig niyang sabi sabi tungkol kay Roxanne na sinisiraan siya nito kay Angelica.

Hindi sinabi ni Carla kay Angelica ang totoong nangyari bagkus ay sinabi niya na umuwi si Roxanne sa Pampanga para mabantayan ng kanyang pamilya ang kanilang Hacienda.

Sa Pampanga nag-aral si Roxanne ng Kolehiyo, hanggang sa nakatapos siya ng pag-aaral. Pinamana ng mga magulang niya sa kanya ang kanilang Hacienda at mga negosyo.

Kalaunan ay nalugi ang kanyang mga negosyo dahil sa pagbagsak ng presyo ng kamatis, asukal at iba pang mga tanim na galing sa Hacienda.

Marami rin silang hayop na namatay dahil sa nagkalat na sakit sa Hacienda. Pati ang mga peste ay hindi tinantanan ang kanilang mga tanim.

Pumunta si Angelica kay Carla at tinanong nito kung kumusta na ang dating kaibigan na si Roxanne.

Walang nasabi si Carla at napaluha dahil sa mga nangyari noon, nakunsiyensa si Carla at sinabi ang totoong nagyari kay Angelica.

Pinaghahanap nila si Roxanne sa Pampanga, lumipas ang dalawang buwang paghahanap ay nahanap na rin nila si Roxanne. Humingi ng tawad si Carla kay Roxanne.

Pagkalipas ng DALAWANG TAON.......

Nagkabati-bati ang magkakaibigan at nagpasiyahan nila na magtayo ng isang mall na sisimbolo sa kanilang pagkakaibigan na tinawag nilang GRAND ROYAL MALL.

Friendship HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon