Si Sophia ang panganay sa apat na magkakapatid kaya siya ang unang nakaranas ng high school life...
Ang high school life niya ay puno ng saya dahil nagala siya pagkatapos ng klase kasama ng kanyang mga kaibigan....
Naattend siya sa mga party ng kanyang mga kaibigan..
Nakakasabay sa mga uso...
At higit sa lahat ..
Nabibili niya ang mga bagay na gusto niya gaya ng kanyang ina noong ito'y teen ager pa...
Noong isang beses ay naflat ang gulong ng kanilang sasakyan kaya hindi siya masusundo ng kanilang driver sa school...
Medyo inis siya dahil hindi siya marunong sumakay ng jeep at ang kanyang mga kaibigan at nakasasakyan...
Kaya naisip niya na ayain ang mga ito na sumakay ng jeep pauwi...
Noong una ay nagdalawang isip ang kanyang mga kaibigan pero napapayag din niya ito..
Awasan na sila at lumabas na sila ng school at nag-aabang na ng masasakyang jeep..
Sophia: Sorry talaga kung sasakay tayo ng jeep... Lilibre ko na lng kayo items worth P5,000 sa gala natin bukas...
Katherine: Ok lang yun.. Lilibre rin kita bukas ng items na worth P5,000
Charlotte: Haha ako P10,000 .. joke lang...
Katherine: Ok sure...
Charlotte: Joke nga lang ...
Sophia: Ayan na.. may jeep na ... anu ba yung sasakyan nating jeep???
Katherine: Ako na yung bahala...
Tumagal sila ng 15 minutes sa kaaantay ng maluwag na jeep...
Sophia: Ang tagal naman natin bago makasakay
Charlotte: Haha .. si Katherine kasi yung pumili ng sasakyan natin
Katherine: Hayaan mo.. next time... 1 day tayong mag-iintay....
Sophia: Anung next time??? first and last ko na 'to sa pagsakay ng jeep... hindi na 'ko papayag na hindi nila ako susunduin...
Biglang tumigil yung jeep at may sumakay na isang lalaki at umupo ito sa tabi ni Sophia...
Katherine: OMG! Nasa langit na ba 'ko???
Charlotte: Nakita mo na ba si San Pedro??? Tanga!! Andito ka sa jeep kasama namin....
Katherine: Tanga!!! Yung cute na lalaki sa tabi ni Sophia yung nakita 'ko, hindi si San Pedro...
Narinig ito nung lalake at napangiti sa kanila....
Katherine: Nasa langit na ata ako!!!
Charlotte: Kinikilig ako!!!
Sophia: Haha na lang... Ako na O.P. sa inyo...
Katherine: Tingnan mo kaya yung katabi mo diyan sa kaliwa ng hindi ka ma-O.P....
Sophia: (tumigin sa kaliwa) Anung meron??? Wala naman akong katabi dito sa kaliwa ko....
Charlotte: (tumingin sa kaliwa ni Sophia) Nawala yung lalaki!!
Katherine: Andun kaya sa kabilang side...
Sophia: Katherine, Saan ba tayo bababa??? Bakit parang kanina pa tayo nakasakay dito...
Katherine: (tumingin sa bintana ng jeep) Wah!!!! Lagpas na tayo...
Charlotte: Para po...
Bumaba sila ng jeep ng nagtatawanan....
Nagtext sila sa kanilang mga driver para sunduin sila dun sa binabaan nila.....
Nakisakay si Sophia kay Charlotte...
Nakauwi sila sa kani-kanilang bahay ng ligtas..