Si Frederick at ako

593 20 4
                                    

Ako:

Bigla akong natigilan at naalala kung saan nga ba nagsimula ang lahat. Mahal kita. Mahal nga ba o nadadala lang ako ng gwapo mong itsura? Sa tuwing naglalakad ka, parang nawawala lahat at ikaw lang ang aking nakikita.

Ikaw:

Isa lang siya sa mga babaeng nagkakagusto sakin. Dati kong kaklase. Sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko parang natutuwa ako.

Ako:

Iniisip mo rin kaya ako? Napapansin mo rin kaya ako kapag dumadaan ako sa tapat ng bahay niyo? Dumaan lang ako sa classroom niyo kulang na lang sumabog sa kaba ang dibdib ko. Dama mo ba?

Ikaw:

Minsan nakikita ko siyang dumaan sa classroom namin at napapalingon ako. Naguguluhan ako. Wala namang espesyal sa kanya. Fourth year na siya at nasa star section pa. Ako, repeater at nasa lowest section pa. Isipin mo palang parang may hindi tama.

Ako:

Mahal kita pero hanggang kelan? Matagal na kitang sinusundan. Alam ko kahit hindi ka matalino, hindi ka manhid at mangmang. Alam ko naiisip mo rin ako. Kahit gaano katagal susundan kita, maglalakad ako sa likod mo pero sana bago ako mapagod kasusunod sa’yo bigla mo man lang akong maisip. Bigla mong maalala na may isang babaeng hanggang ngayon ay naghihintay sayo.

Tayong Dalawa...  kailan kaya?

xx

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon