Si Frederick at ako, ang pasasalamat

124 11 3
                                    

Ako:

Hindi ako alam kung bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko at maglakad patungo sa'yo ngayon? Nandoon ka sa may waiting shed, nakaupo at mukhang naghihintay. Kung sana ako lang siya, hinding-hindi kita paghihintayin. Lalapit ba o hindi lalapit? Nababato ako ngayon sa gitna ng mga estudyanteng binubunggo-bunggo lang ako. Hindi ako magpapatinag. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang lapitan ka? Kaya ko bang pigilan ang kagustuhan kong yakapin ka tuwing nakikita kita?

Ikaw:

"Hindi ka pa ba uuwi?"tanong ng isa kong kaibigan sakin, nakita niya kasi akong naghihintay. Umiiling ako atsaka ngumiti. "Papahatid kasi siya, eh."sagot ko. Hindi ko alam kung anong nagtulak saking lumingon. Nakita ko kita. Nakatayo doon, nagpapanggap na hindi mo ko pinapanood o hinihintay. Nakita kita pero hindi ko kita pinansin. Gaya mo, nagpanggap rin ako.

Ako:

 

Teka, teka, lumingon siya sakin. Teka, teka, bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Muli kong tinapangan ang sarili ko at tumingin sa direksyon mo. Nangangatog ang mga tuhod. Nag-iinit ang mga pisngi. Unti-unting nawawala lahat ng tapang ko sa aking sarili. Nang tumayo ka at naglakad palapit sa'kin ay nagsimulang manlamig ang buo kong katawan lalo pa nung magtama ang ating mga tingin. Isang ngiti ang dumungaw sa aking mga labi, muli na naman akong nabuhay.

Ikaw:

Nagpanggap ako pero sa huli, hindi ko napigilan. Lumingon ako. Tumingin ako. Hindi sa mata ng girlfriend ko kundi sayo, sa mata ng babaeng laging naghihintay sakin. Ngumiti ako, hindi dahil sa girlfriend ko kundi dahil sayo. Ngumiti ako kasi hindi ka talaga sumusuko.

Ako:

Hindi na ko nakagalaw pa nang mag-umpisa ka nang maglakad paapit sakin. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang pagkakataon para lakasan ang loob ko at tanungin ka kung pwede bang maisayaw mo ako. Isang hakbang hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harap na kita. Magsasalita na sana ako nang bigla mo kong lapasan. Napatingin ako sa likod at nakita ko kayo. Hawak niya ang kamay mo at nilagpasan niyo ako. Nang makalayo kayo, dun ko lang nasabi ang dapat na sasabihin ko. Dun ko lang din namalayan na halos malukot ko na ang sulat na hawak ko.

"Saglit, may ibibigay sana ko."

 

Ikaw:

 

"Saglit, may nakalimutan ako,"bigla kong paalam sa girlfriend ko. Hindi ko alam kung anong naisip ko bigla. Bakit pakiramdam ko dapat ko kitang kausapin? Para itigil na ang kahibangan mo. May mali. May hindi tama kahit saan ko tignan.

Ako:

Tama na. Tama na. Itigil na natin 'to, paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. Tama na. Ayoko na. Wala na rin namang pag-asa. Mali, kahit kailan, hindi nagkaroon ng pag-asa. Masaya ka na sa kanya. Masaya ka na, yun lang okay na. Tumalikod ako at lumakad palayo, pasalungat sa direksyon na tinungo niyo. Naramdaman ko na lang, luha ko'y sunod-sunod na nagsitulo. Paningin ko'y lumalabo dahil sa mga likwidong naiipon sa mata ko. Gaya nating dalawa, malabo. Napakalabo. Lakad lang ng lakad hanggang sa may marinig akong sumigaw.

"Saglit!"

 

Ikaw:

"Saglit!"sigaw ko nang makita kitang naglalakad papalayo. Lumingon ka, kitang-kita ang pamumula ng iyong mga mata pati ang mga naglalabdas na luha pababa sa pisngi mo. Umiiyak ka at ako ang dahilan. Kahibangan nga talaga. Tumakbo ko palapit sayo habang hinahabol ang paghinga ko. "Ikaw, salamat,"buong tapang kong sinabi atsaka yumuko sa harapan mo. Nagpanic ka, hindi mo alam kong anong gagawin mo. Maski, ako hindi ko rin alam ang ginagawa ko.

 

"Salamat pero sorry kasi hindi kita..."

 

Ako:

 

"...mahal."

Ako na ang tumapos sa sasabihin mo na hindi mo kayang sabihin ng buo. Kaya ka pala, nagpapasalamat. Siguro, nakukulitan ka na sakin? Siguro, siguro, siguro, puro na lang siguro. Sa dinami-dami ng siguro ko, hindi ko man lang naisip yung, 'siguro, di niya ko gusto kaya ganun.' Iyon na rin pala ang una't huli mong ngiti sakin. Hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin. Hindi ko alam, ang alam ko lang ikaw at ako, kahit kailan hindi magiging tayo.

Tinawag ka niya. Tumakbo ka palayo at hindi na muling lumingon pa.

xx

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon