Meeting

495 15 6
                                    

"ma'am, sir, this way please.." sabi ng waiter. Sumunod sina mr. and mrs. Park sa waiter. Habang papunta sila sa kaninang table, tinawagan ni mrs. Park si Chanyeol. 

"nasan ka na ba?"

"ma, malapit na ako. Natraffic lang ako" (pero ang totoo niyan nakahiga palang sya sa pinakamamahal niyang kama).

"Chanyeol bilisan mo ng onte dahil dadating na yung mga investors dito at baka magalit nanaman ang papa mo, sige bye" 

                                                      ...

"Shet! Bakit ko ba nakalimutan na ngayon pala kami makikipagkita sa mga investors!" sigaw ni Chanyeol. Dahil sa kamamadali niya ay nakalimutan niyang magpantalon, sabay labas ng kanyang condo. Tapos bigla niyang napapansin na parang pinagtitinginan siya.

"ako ba pinagtatawanan nila? hah, di siguro, pogi ata to" sabi ni Chanyeol sa isip isip niya.

Naglalakad siya papuntang parking lot, mas lalo niyang napapansin na dumadami na ang mga taong nakatingin sakanya pero hindi niya sila pinansin kasi,

"POGI AKO :)"

Nasa harap na siya ng kanyang pinakamamahal na sasakyan at kinakapa ang kanyang 'bulsa' kaya lang parang may mali.

"andito lang talaga yun eh.. linagay ko yun dito eh" sabi niya sa sarili niya at napatingin siya sa baba at..

"SHET! NAKALIMUTAN KONG MAGPANTALON! KAYA PALA SILA TUMITINGIN SAAKIN!" sigaw niya sabay takbo pabalik sa condo niya. 

                                                      ...

Papunta na si Chanyeol sa restaurant (na may pantalon  :D). Nandun na sa restaurant ang mga investors. Habang naghihintay ang kanyang magulang ay nagkasabay sila Seohyun at Chanyeol sa may parking lot ng building. Nakakita ng parking space si Seohyun sa may harap ng building kaya agad agad siyang pumarada kaso.. habang paatras si Seohyun sa pagpaparadahan niya ay biglang dineretso ni Chanyeol ang kotse niya sa pagpaparadahan ni Seohyun, meaning, inagawan ni Chanyeol ng parking space si Seohyun. (ang gentledog ni Chanyeol promise -.-). Busina ng busina si Seohyun pero hindi siya pinapansin ni Chanyeol. Binubusina lang niya si Chanyeol hangang humarap si Chanyeol kay Seohyun at bigla niyang binigyan ng poker face si Seohyun. Umiinit na ang dugo ni Seohyun pero wala siyang nagawa kaya naghanap nalang siya ng ibang mapagpaparadahan. Nang nakapagpark na si Seohyun ay bigla siyang tumakbo ng mabilis dahil late na siya. 

Tumakbo si Seohyun hangang sa nakarating na siya sa loob ng building (yung restaurant nasa 2nd floor). Pagkakita niya sa elevator ay may pila. Nasa dulo siya ng pila. Saktong mageelevator din si Chanyeol. Bumukas na  yung elevator kaya nagsipasukan na sila at ng nakapasok na si Seohyun ay biglang tumunog yung elevator, overload.

"bawal nang pumasok, di na kasya" sabi ni Chanyeol kay Seohyun.

"magpakagentleman ka nga, palit tayo ng pwesto, dito ka sa labas at jan ako sa loob ng elevator dahil nagmamadali ako!" sigaw naman ni Seohyun.

"aba! nagmamadali din ako noh!" sigaw naman ni Chanyeol.

No choice si Seohyun kaya lumabas na siya,

"mas maganda nang lumabas kaysa makita ko yung mukha ng kumag na un" bulong ni Seohyun sa sarili. Nang pasara na ang elevator ay bigla nanamang nagpoker face si Chanyeol kay Seohyun. 

                                                      ...

Naunang nakarating si Chanyeol sa restaurant. Nakita niya na ang parents niya at ang mga invertors (parents ni Seohyun). Nakipagkamay si Chanyeol sa mga investors at nagsiupuan na.

Arranged Marriage (Chanyeol - Seohyun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon