"Fuck you!"
Napangisi ako bago umupo sa gilid niya. Tinignan niya naman ako ng may takot sa mga mata. Ganyan nga, matakot ka. Nawala ang ngisi ko nang maalala ko yung kahambugan na ginawa niya kanina. Ako pa talaga ang kinalaban. Wala naman palang maibubuga. Pwe.
Hinawakan ko ang buhok niya at pinatingala sakin ang ulo niya. "Yabang mo kase. Sa susunod, kilalanin mo ang kinakalaban mo."
Tumayo na ako. 3 minutes. Tatlong minuto ang nasayang ko dahi sa lalaking to. Bwiset. Imbes na nandito ako para magsaya, napunta pa tuloy sa gulo. Nakakatangina talaga. Nagulat ako nang makarinig ako ng palakpakan sa paligid. Makikita sa bawat isa ang pagkamangha. Marahil ay hindi makapaniwala ang mga ito na isang babae lang ang makakatalo sa mayabang na iyon. Seriously, they're creeping me out. Ngayon lang ba sila nakakakita ng diyosa na matapang? Duh. Mga taong bundok ata tong mga to eh.
Inilagay ko ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at nakangising lumabas ng bar. Hays may napagbugtungan na naman ako ng inis ngayong araw.
****
"Ano na naman ba ang kagaguhang ginawa mo, ha?" tanong sakin ni Mommy. Masanay na kayo sa tabas ng dila niyan. Wala eh, gangstah feels.
"She's just defending herself, hon." my father said and winked at me. Napailing na lang si mom. Alam na niya kasing hindi siya mananalo samin ni Daddy kapag nagfull force kami.
"Mukhang habit mo na 'ata ang pakikipag-away." dagdag pa ni mom. That was a fact. The truth. Kahit ano kasing iwas ko sa gulo ay wala pa rin iyong epekto, nauuwi at nauuwi pa rin iyon sa pakikipag-away. Kakambal ko na 'ata si Trouble at Disaster.
"Mag-impake ka. May pupuntahan tayo."
"Saan po?"
Pacute na tumingin sakin si Mom. "Sa bago mong school."
Sinunod ko ang inutos ni mom na may kunot sa noo. Lipat ako? Wala naman akong naging problema sa school ah? Nakakapagtaka naman.
Ipinilig ko ang ulo ko. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Masyado 'ata akong napapraning. I mentally laugh at that thoughts. Inimpake ko lang ang mga mahahalagang kailangan ko. Damit, shorts, jeans, boots, shoes, her sets of eyeliner, gloves at siyempre, mga undergarments. Isinara ko na ang itim na maleta at mabilis na lumabas ng kwarto. Nang napadaan ako sa maliit na drawer ko ay napatingin ako sa frame na nakapatong doon. Sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang maaliwalas na mukha niya. Nakangiti siya ng maluwag habang nakaakbay sakin. Halata sa mukha namin na masaya kami. Pareho kaming nakasuot ng toga. That was taken on our graduation day. Kinuha ko ang frame at hinaplos. Tatlong taon na ang lumipas. Tatlong taon pero sariwa pa din.