Good Morning Anya
Good Morning Too Mr. Choi
Ang aga mo pumasok Anya
nagbreakfast kana ba?
Puwede ba wag na Mr. Choi ang itawag mo sa akin ...
itawag mo na lang sa akin yon dati... Bernard
Bigla ko naalala ang sinabi ni Lola Celia
Anya may pakiusap ako sa iyo...
alam ko magiging magkatrabaho kayo ni Bernard
puwede ba maging mabuti ka sa kanya
kahit hindi siya naging mabuti sa iyo....
Opo Lola Celia gagawin ko po ang lahat para sundin ko po kayo
okey lang po ba na singitan ko siya paminsan-minsan?
Oo naman Anya para makaganti ka sa Apo kong pasaway na yon!
Bernard Choi ... sigurado ako hindi ka pa nagbreakfast
at gutom ka na... kasi noon pumapasok ka sa trabaho na
hindi ka nag aalmusal
binigay ko ang dala kong paper bag kay Bernard
Ano ito Anya?
Binibigay ko sa iyo na breakfast mo!
Bago ako magsimula ihakbang ang mga paa ko palayo sa kanya
Narinig ko ang sinabi niya
I'm Sorry Anya
Alam ko hindi ako naging mabuti sa iyo
hindi kita trinato na maayos bilang asawa ko
at naging malupit ako sa iyo binaliwala kita
Humarap ako sa kanya
Bernard pinatawad na kita kahit isang hangin lang ako sa iyo noon
at binaliwala mo ako na asawa mo pero salamat kasi dahil sa iyo
naging matatag akong babae... Hindi ko na maibabalik ang kahapon
Lumakad na ako palayo kay Bernard
Pumunta ako sa bahay ni Lola Celia
Bernard lasing ka Apo!
Sorry Lola Celia kung pumunta ako dito ng lasing
May problema ka ba Bernard?
Niyakap ko si Lola Celia at hindi ko napigilan na umiyak
Lola Celia nagkita na kami ni Anya nagtratrabaho siya sa kumpanya...
Nag iba na ang Anya natin Lola Celia
Yon nakita ko siya gusto ko siya yakapin...
Pero... Pero... Pero...
Ano Bernard?
May fiance na siya malapit na sila ikasal dalawa
doon din nagtratrabaho ang fiance niya Lola Celia
Lola ano gagawin ko?
Nasa ibang lalake na siya at mahal na mahal siya
Napakalaki ko kasing tanga
Gago ako napaka gago ko
Bakit hindi ko nalaman kaagad noon?
Kung maibabalik ko lang ang nakaraan Lola
magiging mabuti akong asawa sa kanya
aalagan ko siya
at papakisamahan ko siya ng maayos hindi siya
isang hangin sa akin
Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na makasama ko
siya itatama ko na ang lahat...
aayusin ko ang lahat
magiging mabuti ako sa kanya Lola Celia
Pero huli na ang lahat pinagsisihan ko ang lahat
Apo tama na wag ka na umiyak
wala na tayo magagawa sa mga nanyari
nakalipas na yon at hindi na natin maibabalik ang nakaraan
Lola huhuhu sana nakinig ako sa inyo noon na maging mabuti ako sa kanya
Ang sama-sama ko sa kanya Lola
Apo tama na!
Lola ang totoo minsan gusto ko bumalik sa nakaraan at
suntukin ang sarili ko sa mukha....
marami ako gusto sa kanya kanina pero I'm Sorry lang
ang nasabi ko kay Anya... hindi ko alam kung saan ako
magsisimula para huminggi ng tawad sa kanya
Nasa kabilang linya ako nag uusap kami sa celphone
ni Lola ng dumating si Bernard nabitawan ni Lola Celia ang phone
at hindi na off kaya narinig ko ang pinag-usapan nila Lola Celia at Bernard.
Napaiyak ako ng matapos ko marinig ang pinag-usapan nila
Bernard Kung noon mo pa sana ginawa ang mga bagay na yon
sana naging masaya tayo ... pero huli na ang lahat kahit
humingi ka ng tawad at kahit pagsisihan mo...
BINABASA MO ANG
"You Say I Love You!"
Романтика"You Say I Love You!" about two people separated by wrong decision and give or not a second change to love again? "Good things cannot change the past but It can change the future"