BARANGAYON

1.6K 42 2
                                    

"Itay si Apong (lolo) natumba doon sa bukid!!"

Humahangos na sigaw ni Mila.agad na tinungo nina Mila at ang kanyang Ama na si Mang Romy ang matanda.

"Mila ako na bahala kay Apong, sunduin mo si tiyo Reni mo at pakisabi dalhin ang habal habal.Bilisan mo anak!"

Mabilis na sinunod ni Mila ang kanyang ama.Makalipas na ang sampung minuto dumating na si Mila kasama si Reni  lulan ng habal habal.agad na binuhat si Apong at isinakay sa habal habal patungong klinika.

"Ano hong nangyari kay apong?"

Usisa ng isang nurse nag asikaso kay Apong.

"Bigla na lamang siya natumba doon sa bukirin.nagpapahinga lamang siya mayat mayay bigla na lamang siya napa tumba."

Alalang wika ni Mila.
Bago pa lamang ito dalhin sa Emergency Room ay nabigla ang lahat nang napasigaw si apong na tila nalunod. Habol ang hininga nito.pagkuway tinawag ng nurse sina Mila at ang kanyang tiyot ama.

"O ano hong nangyari itay ?!"

Nagtatakang tanong ni  Mang Romy  sa kanyang Biyanan.
Hindi man lang sumagot si Apong pagkuway iginala niya ang kanyang mga mata na tila may hinahanap.

"Na.,..sa..an... si Mi....lagros ang...a...po ko?"

Hirap man sa pagsasalita ay pinilit niya ang sarili.Dagli naman pumasok si Mila sa silid  at nilapitan ang matanda.

"Bakit ho Apong?"

Pinalapit ng matanda si Mila at tila may ibinulong ito.Bulong na hindi mawariaan ni Mila.nababakas sa Mukha niya ang pagtataka sa magulong winika ng kanyang Lolo.

"Bakit anak? May iniisip kaba??? "

Pagtatakang tanong ni Mang Romy.

"Itay may binulong kasi sakin si apong na tila ibang lang gwahe ,Hindi ko naintindihan pero tila may kilabot na bumalot sa katawan ko"

Nanlaki ang mga Mata ni Romy ng marinig ang mga sinabi ni Mila.

"Bakit ho itay? May problema ho ba!?

"Anak. Kapag may ibinigay sayo ang lolo mo huwag mo itong tatang gapin.
Mangako ka Mila! Huwag na huwag kang tatanggap o tatango sa apong mo!"

BARANGAYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon