BARANGAYON

788 25 0
                                    

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang nasa silong ng kanilang bahay.gumapang ang kilabot sa buo nitong katawan.
Ang kanyang lolo na si Apong Oscar ang naroon tila halimaw na gutom na gutom at naglalaway ito At ang anyo nito ay tila isang bangkay na nabuhay.
pilit na tinatanggal ng matanda paunti-unti ang mga kawayan upang makapasok sa kwarto ni Mila.
Napaatras si Mila sobra ang takot na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
Hindi siya makasigaw hindi siya makagalaw
Tila gutom na aso ang mga tinig na nagmumula sa kanyang apong.
Maya maya pay nawala ang tinig at kaluskos nakahinga ng malalim ang dalaga .dahan dahan niyang muling sinilip ang silong.lumuwang ang kanyang pakiramdam ng makitang wala na roon si apong oscar.nang papatayo na siya upang puntahan ang kinaroroonan ng ama ay nakita niyang tila bukas ang bintana ng kanyang kwarto.dahan dahang siyang lumapit sa bintana upang ikandado.marahan ang bawat kilos ni Mila.pakiramdam niyay tila may nagmamasid sa kanya.
napaatras siya ng biglang gumalaw ang bintana dahil sa hangin at mabilis niyang isinara ang bintana.nang aakma siyang papalabas ng kanyang kwarto at nakarinig ulet siya ng nakakaakilabot na tinig.muli siya dumapa sa sahig upang silipin muli ang silong ng kanilang bahay.
Gayun na lamang ang pagkabigla niya ng makitang walang sinuman ang naroon, ngunit pakiramdam parin niya na tila talagang may nagmamasid sa kanya.
Iginala niya ang kanyang paningin ngunit wala pari siyang nakita.
Pagkuway nagdudumaling tinungo ni Mila ang pintuan nang biglang paghawi niya ng kurtina ay bumungad sa kanyang harapan si Apong Oscar.
Halos hindi magalaw ni Mila ang kanyang mga paa at halos hindi siya makasigaw ng mga sandaling iyon.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang kanyang lolo na tila isang buhay na bangkay.
Nakahugot siya ng lakas ng loob nang aakma na siyang patakbo ay sinakmal siya nito ng ubod ng lakas.

"Itay! Itay!"

Malakas na sigaw ng dalaga..pagkuway sinakal siya nito ng buong lakas.walang salita ang lumalabas dito kundi tila huni lang ng isang asong gutom na gutom halos takot na takot si mila, hindi na siya makahinga ng mga oras na iyon maya maya pay napa igik ang matandang barangayon.at sabay na lumalabas mula sa bibig nito ang itim na binhi...halos maluha si Mila dahil sa tindi ng pagsakal ni Apong Oscar.....Titig na titig ang mga mata ni Mila sa nakakatakot na itsura ng kanyang apong,....

Itutuloy........

BARANGAYONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon