"STEM ba talaga gusto mo?""'Di ko pa sure." Stressed akong humiga sa kama ko at tinakpan ng unan ang aking mukha.
Nakakafrustrate namang mag-aral.
"Girl, hindi pwedeng hindi ka sure ngayong SHS student ka na." Huminga ako nang malalim nang medyo ma-suffocate. "Pwede naman pala, General Academic Strand." Inalis ko ang unan sa aking mukha at tiningnan si Ate Audie, pinsan ko. Nakatayo siya sa harapan ng vanity table ko habang binabasa ang mga brand ng make-ups kong nakadisplay roon.
"Mag-eengineer ako Ate. Related naman sa strand na kukunin ko, ang kaso, I'm still not sure kung maayos ba ang strand na yun sa school na papasukan ko."
Nakakainis naman kasi, magtratransfer na naman ako sa ibang school ngayong pasukan. Take note, for the 5th time na!
"Excuse me, I am a proud student from San Lucas University. Maganda lahat ng turo roon 'no!" Natawa na lang ako sa itsura niya, halatang proud na proud sa pinanggalingan niyang school.
Umuwi na rin si Ate Audie at naiwan akong nakatulala sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Ang alam ko lang ay yung mga ayaw ko sa buhay, at ang pinaka sa mga iyon ay ang mag-aral sa America.
Mas masarap kasi ang mga Pinoy.
Charot!
Ayaw ko lang talagang umalis pa ng bansa. Feeling ko, magiging loner lang ako roon. Mas madali ang buhay kapag komportable, iyon ang hindi maunawaan ng Daddy ko.
"Mommy, sure na talaga, STEM na yung strand ko." Nang makapag-isip na ako nang masinsinan, ipinaalam ko na agad kay Mommy ang naging desisyon ko.
"Baka minadali mo lang 'yan ha?" Umiling ako nang maraming beses bilang sagot.
"Okay. I'll talk about it with your Dad. Sleep early, darling. Goodnight." She kissed me on my cheeks and then she left me to go to my Dad's office room.
I went to my room again. Inabala ko ang sarili ko sa pagcecellphone at naisipan na lang na mag-tweet.
school life sucks. my whole life, actually.
I let myself fell asleep at 9 PM.
The next morning, I heard that SLU is already accepting enrolees so I called my cousin just to have someone to go with.
Sadly, Ate Audie is not available as of the moment, and that just made me realised how lonely I am. Hays. Kailangan ko na ata ng jowa.
Marami namang gwapo at matalino sa SLU, mukhang magiging madali na para sa'kin 'to.
Joke lang! Study first.
Wala akong choice kung hindi mag-enroll mag-isa. Pero para hindi magmukhang loner, ginamit ko ang earpods ko at nakinig na lang ng music, para hindi na rin awkward sa pakiramdam.
I automatically smiled when my favorite song started to play. I hummed silently while filling up the forms.
Malapit na akong matapos nang may humawak bigla sa balikat ko. Nagulat ako at napatingin sa kan'ya, mukhang may sinasabi kaya inalis ko ang nakapalsak sa tenga ko.
Nang makita n'yang nakatingin lang ako sa kanya, she smiled before repeating what she said. "Ang sabi ko, you've got a great taste in music. Narinig ko lang yung hummings mo. Sorry, feeling close." She gave me a peace sign while smiling cutely. I chuckled.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You (In Editing Process)
Teen FictionYnara is a senior high school student who struggles a lot with her life. She later on met Theoriv, a guy whom she met within her new environment. Would the guy be her escape from the miserable life she belongs, or will be another reason for the down...