LMLY 02

149 8 0
                                    


Search "Tamara"

"Grabe ang daming Tamara sa Earth." Naiinis kong bulong sa sarili.

Kanina ko pang hinahanap si Tam sa Facebook, gusto ko s'yang makausap. Nacucurious kasi ako kung sino ba yung lalaking may dimple kanina.

"Ayun!" Napaayos ako ng higa nang makita na sa wakas ang account ni Tamara.

Tamara Gonzales.

Pinindot ko agad ang add friend button at chineck ang profile picture n'ya. Grabe ang famous, 1.1k likes. Sabagay, ang ganda ganda n'ya kasi roon, nakasuot s'ya ng cheer dance uniform ng SLU, nakahawak sa magkabilang bewang habang nakangiti nang malawak. I tapped the heart reaction.

Tamara Gonzales accepted your friend request.

Sakto, online.

Tamara Gonzales: Hi Yna!

Wow, nauna pa siyang magchat sa'kin. Pinindot ko yung notification na nag-pop up at agad nagreply kay Tam.

You: hellooo

Tamara Gonzales: buti nahanap mo account ko?

You:
sikap at tiyaga hahahahahaha
may tanong kasi sana ako

Tamara Gonzales: ano yun? urgent ba yan? hahahahahaha!

You:
medj
sino yung kasama ni Vance kanina? hehe
ano name?

Tamara Gonzales:
hmm medj urgent nga ah hahahahahahaha
Theoriv Villanelle, search mo
vtheo sa twitter and ig
welcome!

You: omg thanks hahahahaha

Tamara Gonzales: sige sis, secret lang natin na crush mo sya hihi

Ang harot ko naman pala. Wala pang first day of school, may crush na ako.

Search "Theoriv Villanelle"

"In fairness sa name, pang-Greek mythology." Agad kong nakita ang Facebook account n'ya, unique naman ang pangalan kaya nag-iisang account lang s'yang lumabas doon sa sinearch ko.

"Magfri-friend request ba ako?" I asked myself. "Sige na nga, s'ya nga, ang kapal ng mukhang mag-babye sa akin, hindi naman kami close." Me, trying to convince myself.

I tapped the add friend button and stared at my phone for awhile before receiving a notification.

Theoriv Villanelle accepted your friend request.

Ini-stalk ko s'ya kaagad at saka lang napansin na nakatalikod pala s'ya roon sa profile picture niya. Quote lang ang kanyang cover photo at wala rin siyang bio at featured photo. Nakita ko si Vance sa friends list n'ya kaya in-add friend ko na rin, agad rin naman akong naka-receive ng notification na inaccept n'ya yung friend request ko.

Nawili ako sa pang-i-stalk lalo na nang makita ang mga tagged photos sa albums n'ya. Sa tingin ko ay family n'ya iyong kasama n'ya sa maraming pictures. Meron rin akong nakitang picture niya kasama si Vance at class pictures kung saan nakita kong naroon si Tam.

Patuloy lang ako sa pag-i-scroll nang biglang nalike ko accidentally ang isang stolen picture n'ya...2 years ago?!?!

"Pucha, magnonotif ba 'yon?" Natataranta kong tanong sa sarili pagkatapos mabawi yung like.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Love You (In Editing Process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon