Chapter 28 I believe

187 7 6
                                    

Chapter 28 I believe

Two weeks na ang nakakaraan nung ...Finally! Nakapagtapos na ako ng highschool, Kahit na-late ako sa march ng graduates sa umpisa ng program, nakahabol padin ako sa section nga lang ako nila Reeza napasama *pokerface pero keri na yon! Haha. Forgiven na sya long long time ago at yun lang din wala kami picture together ni Andrew. How sad. 

College! Sana naman hindi na maging strict sila daddy! *evil grin

Pupunta pala si Andrew ngayon dito sa bahay, para makapagpaalam kasi uuwi na siya ng Tagaytay. Dun na siya mag-aaral ng College. Kelangan na din kasi ng kasama ng parents niya, nagkaka-edad na din kasi ang mga ito. Na-meet ko na sila once. Nung ininvite ako ni Andrew sa birthday ng pamangkin niya, bad shot pa nga eh. Feeling ko ayaw nila sakin, unlike nung unang meet ko sa parents ni Cris.

Na-kwento pa nga ni Andrew na napagalitan daw siya ng dahil sakin, dahil naka idlip ako sa lap niya nung naghihintay kami ng makakasabay naming pauwi pagkatapos nung party. Ang pangit daw kasi tignan. Dahil nga sa ignorante ako , hindi ko maintindihan kung ano ang pangit sa nakatulog sa lap niya na yung ulo ko eh facing his stomach?! =_____= ano nga ba?!

Nasira pagmo-moment ko nang may kumatok sa pintuan. Hindi naman ako nagkamali dahil pag bukas ko -

"Mahal ko^_^" *smack* may dala dala siyang ube! Yam yam! Favorite!

"Salamat dito ha. Papakin ko to mamaya! Upo ka muna. Feel at home. Ako lang tao ngayon dito"

 PAgtalikod ko nagulat ako nang akapin niya ko.

Ayan nanaman yung pamatay niyang back hug! At nakabaun pa ngayun ang ulo niya sa leeg ko. 

Feeling ko naginit bigla ang atmosphere. 

"Talaga? Tayong dalawa lang tao dito?!" bakit parang may double meaning yung tanong niya? geeezzzz boys are boys. Bakit ba masaya sila kapag walang tao sa bahay?!

"Oo nga po. O bitaw na, kain muna tayo." sabi ko nalang. Medyo nailang ako ng kaunti. Bumilis din kasi ang tibok ng puso ko. Kyaah!

"Cge." At umupo na kami sa mesa ng pagkahanda ko ng Adobong baboy.

~~

"Masarap ba?!" tanong ko

"Oo masarap. Sino ba nagluto nito?"

"AKO!" oh yes baby! 

"Hindi pala masarap. Tignan mo ang daming sabaw, tapos hindi pa masyadong malambot yung baboy"  yung totoo?! *pokerface

"Ayaw mo? Nakakainis ka naman sabi mo masarap. Nalaman mong ako nagluto biglang hindi na. Wag ka kumain!" kinuha ko yung plato niya at nilayo ang ulam. Ugh! Nakakaasar.

"Kakain nga ako tignan mo oh kahit na hindi masarap para sayo kakainin ko pa din." susme Andrew makabawi lang. hala ayan binalik ko sa kaniya ang plato. At dinamahin ko pa ang kanin niya. 

~~~~ 

"Talaga? Naka 17 girlfriends ka na?! ganun ka ka-babaero ?! so... pang 18 na pala ako .. " nalungkot naman ako. Samantalang ako. Pang lima ko palang siya. Dibale, I'll make sure na I'll be the last. *grin

Nagkwe-kwentuhan kasi kami ngayon dito sa sala at nakikinig ng radyo pagkatapos kumain at magayus sa kusina.

"Eh ikaw lang naman nakatagal sakin, karamihan sa 17 na yon, hanggang 3 months lang. Yung iba naman jan weeks lang. Sila nakikipag-break madalas sakin." Kwento niya pa. So ako palang pala ang nag-tyaga? Natawa naman ako. Sabi kasi nila pag nag-tyaga may nilaga. Aja!

Love stood StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon