Chapter 2: "Bhest"

375 9 7
                                    

Chapter 2: Bhest

Sa school:

"Huy! Tulala ka nanaman jan!"

"Ay! kabayo ka! Gggrrrr... Nakakainis ka! Ano nanaman ba ha?!"  kairita talaga tong si Andrew kahit kelan. Hindi ba ako titigilan nito kahit isang araw lang? Isang araw please lang.

"Pakopya ko ng assignment natin dali darating na si ma'am! =D " susme kay laki ng ngiti. Hindi ba nakokompleto araw nitong ng hindi ako kinukulit sa assignment? Seryoso, nag-aaral ba 'tong lalaking 'to o puro cutting din ang alam. 

"Oh! Eto! Sus cutting kasi ng cutting eh! Ano ba napapala niyo jan?! Transferee lakas mag bulakbol. Umayos ka nga!" hinagis ko sakniya assignment ko. Baka kasi masermonan nanaman siya ng teacher namin.

"Wow! Ang sungit naman. Katakot. hahaha. bakit wala ka sa mood? Iniisip mo nanaman si Cris noh?! Ay si Dilan pala. Hahahaha. " asar niya pa. Bwisit.

Hay naku! Kung alam niya lang sa kaniya lang naman ako iritable. Ay hindi pala, sa kanila pala kasi ng mga barkada niya ako irritable! tsk!

"Pwede ba manahimik ka. Hindi pa nga kami nagkikita non eh! Madami pa naman ako ikwe-kwento. Tsaka pwede ba, huwag mo nang mabanggit banggit sakin si Dilan. Ban na siya sa kin. Please lang."

"Kawawa ka naman! Iiyak ka na niyan ha?! iiyak kana?! tsk! Oh! Cris patahanin mo ko! hahah!.." Grrrr! Hindi rin ba kompleto araw nito kapag hindi ako naasar? Jusko po! Please lang awatin niyo ako dahil makakasapok na ako ng tao ngayon na!

"Arrrrrggghhhhh. Akin na nga yan assignment ko! Wag ka na kokopya sakin! Dun nalang ako kina Mae! Buwiset ka!" padabog akong umalis. Dahil pag nanatili pa ako, malamang talaga hindi na ako makakapag pigil manakit ng tao. Magbe-beastmode na ako.

"Huy! teka hindi pa ko tapos ! tsss. Ang damot mo naman. May gusto ka ata kay Cris eh! Lagi nalang sya hinahantay mo. Hoy! Balik ka dito!" bahala ka sa buhay mo. Leshe ka.

O__o .... -_- so kailangan shinoshowbiz ako?! Pero di ko siya pinansin. diretcho padin ako papunta kina Mae.

Mukhang magsisisi din ako na umupo ako sa tabi nila Vhan, Mae at Charm.

"Huy! Nakabusangot nanaman mukha mo Kyla!? Andito naman kasi kami kung sino-sinong plastik ka lumalapit"

"Waaahhh. Nagtatampo ka ba? Pa-kagat nga ako Vhan! hehe Sorry." Hindi naman siya papaya pero kinagat ko ... -__- okay NR?!  Isa pa.....

"AAAAAAA..RRRRaaayyyy!!!!masakit tae! bampera kang tunay!" 

Natawa lang kami nila Mae at Charm eh. Haha! Nakakatawa itsura niya. Niyakap ko nalang sya. Hindi naman sa wala akong tiwala kasi sa kanila kaya hindi ko sila nilalapitan ng husto kapag may problema ako. Ayoko kasi na nag-aalala sila sakin. Okay naman kasi ako.

"Mga baliw talaga kayong dalawa jan baka maging lalaki yan si Vhan at ligawan ka na din ah hahaha" pang - asar naman nitong si Charm.

"Yuck! over my dead body! Kaloka!  Ano ba yan.. am baho ng kagat mo ha! Infairness!" baliw talag bakit kasi inamoy? Haha! Siyempre kumain na ko kaya amoy pagkain at laway na yun haha!

"Hoy grbe ka naman Vhan! Gusto mo isa pa?!"

"Pero hindi nga promise Kyla. Matuto kana dapat. Ilang beses ka na ba tinraydor? Okay lang naman maging friendly pero piliin mo kasi pinagkakatiwalaan mo." seryosong payo ni Mae.

"Opo na po. Pero may tatanong ako seryoso..."

sabay sabay naman silang sumagot . "Ano yon"

"Mga Plastik ba kayo?! Sabihin niyo na din okay lang sakin. No hard feelings. Promise cross my heart. Mas matatanggap ko na honest kayo na pinaplastik niyo din ako"   Joke ko. Pero sa loob loob ko. Alam ko naman na totoo silang kaibigan. Yung kaibigan na for keeps talaga.

Love stood StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon