Chapter 4
What happened ?
Days had passed na parang naging ordinary day na sakin na kasama ko si Joseph. Palagay na yung loob ko pag nanjan sya. He's like my guy bestfriend number 2 , pero in a different way.
Bakit ?
Kasi minsan lang kami magkasundo. May time pa na nagkakasakitan na kami emotionaly and physicaly.
Pero nasanay na. Madami na kasing babaeng galit sakin dahil hanggang ngayon sinasabi parin nilang inaagaw ko si Joseph sa kanila tapos iniwan ko si Aldrin.
Hindi ko naman iniwan si Aldrin eh , infact sya yung laging busy kaya no choice akong samahan 'tong kumag na 'to. Wala naman akong masyadong close na babae dito kasi nga ilag sila sakin. So sinong sasamahan ko diba ?
"Oy Naoimi , sasamahan mo ko sa mall ha"
"At bakit ?"
"Basta sasamahan mo ko"
"Ayos ka ah. Nagpapasama ka nalang para ka pang boss ? Ano ka chicks ? Bahala ka" -tumayo na ako. Kitams? Halos wala kaming pinagkakasunduang dalawa.
"Whether you like it or not. Sasamahan mo ko. Tara"
Hinigit na nya ako papasok sa room. Time narin naman kasi.
Pagtapat namin sa room , nakita na namin si Ma'am sa loob. Patay !
Napahawak ako kay Joseph sa braso.
Ito kasing teacher na 'to ang pinaka terror sa lahat ng subject teacher namin. At mahigpit na bilin nya . BAWAL ANG LATE
"Ma'am sorry we're late" -sabi ni Joseph. Yumuko lang ako.
"Where have you been mr. Fahardo and miss Austin ?"
"Ma'am sorry. Nasa elementary po kasi kami nung nagbell kaya medyo malayo po yung nilakad namin"
Napalingon agad ako sa kanya. Ayos ah !Galing lumusot. Magkadugtong kasi yung elementary at high school dito. Pero bawal pumasok ang elementary sa teritory ng high school. Ang high school naman , hanggang playground lang ng elementary.
"Come in. So, as I was saying , Idiomatic Expressions blah blah blah"
Umupo na kami sa upuan namin. Takaw attention na naman kami kasi bukod sa late na kami , magkasama pa kami. Hayy naku , pano ba matatanggal ang mata ng mga taong umiirap ng hindi gumagamit ng dahas ? Naiirita na ako ha.
"Psst. Naboboring ka ?" -bulong ng kumag sa tabi ko
"Oo. Bakit ?" -bulong ko din.
"Pengeng papel"
"At bakit ?"
"Basta. Pampatanggal boredom"
Kumuha ko agad ng papel sa bag ko.
"Oh"
"Ano ngang spelling ng pangalan mo ?"
"Tarantado ka pala eh. Sosyotain mo ko , hindi mo naman pala alam spelling ng pangalan ko"
"Aba , kelangan pa ba yun ? Eh sa gusto kitang girlfriend eh"
Nag-init bigla yung pisngi ko sa sinabi nya.
My goly. Ang hard !
"Hui ano kasi ?"
"Akin na nga"
Isinulat ko sa papel yung buong pangalan ko. Tsaka ko inabot sa kanya.
"Ano bang gagawin mo dyan ?"
