Chapter 3 Joseph ??

52 1 0
                                    

Chapter 3

Joseph ??

Niomi's POV

"Mommy alis na ako " nagkiss na ako kay Mommy.

Bubuksan ko palang yung pinto nang may kumatok. Sakto naman at papalabas na ako . 

"Hel--. What the hell are you doing here ?! " 

"Sinusundo girlfriend ko" -tsaka sya prenteng pumasok sa bahay namin.

Ayos ah. Feel at home ? Bahay mo ? Ibitin kita ng patiwarik dyan eh.

"Aalis na ako. Bahala ka jan kung gusto mong makipag bonding sa nanay ko" 

Tsaka ko lumabas. Aba at may kotse si kuya ha ? Mayaman ^__^ 

Binagalan ko lang yung lakad ko , kasi iniintay ko kung susunod sakin. Kaso malapit na akong makalabas ng Village wala parin sya sa likod ko. 

Hmmm. Siguro ginisa na yun ni Mommy tsaka pinakain sa aso. Buti nga sa kanya. Hmp ! 

Pagpasok ko palang sa School madami na namang bumati sakin. 

'Hello miss Niomi'

'Good morning Niomi'

'Hi Niomi'

Ako naman ngumiti nalang ng ngumiti.

Minsan nakakapagod ding pumasok. Isa lang naman ako sa kanila , pare-pareho naman kaming kumakain ng bigas , o anong problema nila at tinatrato nila akong special ? Wala naman silang mahuhuthot sakin ?

Habang pangiti ngiti ako , nahagip ng mata ko si Aldrin. 

Tumakbo ko papunta sa kanya tsaka ko pumasan sa likod.

"Hey baby boo. Lilibre mo ba ako ngayon ?"

"Bumababa ka nga dyan. Pinagtitinginan tayo oh" 

"Eto naman ang aga aga ang sungit sungit. Meron kaba ngayon ?"

Tsaka ko bumaba. Sya seryoso parin sa paglalakad.

Ano bang problema ng isang 'to ?

"Hui ! May problema kaba ?"

"Nothing. Sige una na ako. Ayan na yung boyfriend mo" 

Huh ? Sinong  boyfriend ? 

Sira na din ba ulo nun ?

Lalakad palang ako nang may humawak sa bewang ko tsaka ko inakay lumakad.

"Ano ba. Bitiwan mo nga ako"

NAgtitinginan na yung mga tao samin. Yung iba naman nagbubulungan na. Ano ba yan. Ngayon lang kayo nakakita ng ganito ? 

"Hui ano ba. Pinagtitinginan tayo oh" 

"Eh ano naman ? Diba GIRLFRIEND naman kita ?" -ni emphasize nya pa yung 'Girlfriend' kaya lalong lumakas ang bulungan.

"Pwede ba Fahardo , tumigil ka jan sa kalokohan mo. Ang aga aga nambubwisit ka!" 

Nag walk out na ako sa nagchichismisang crowd tsaka ko iniwan yung gung gong na yun. 

Nakakainis naman. Hanggang dito sa may pinto ng classroom nagbubulungan pa rin ? Gano ba kabilis lumipad ang chismis ? Bwisit!

Hinanap ko si ALdrin sa loob ng classroom kaso wala. Asan kaya yun ? Nauna pa syang lumakad sakin ah ?

Umupo nalang ako sa upuan tsaka ko nagbasa ng libro.

Oi wag ka, 'Twighligt New Moon' binabasa ko. Ewan ko pero , napanood ko na ng paulit-ulit , nabasa ko na ng paulit-ulit pero hindi parin ako nagsasawa. Hanggang ngayon kinikilig parin ako. hihihih

LOVE ! Bakit ang Unfair mo ? (ON-HOLD  !!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon