The Break-up

318 10 0
                                    

Shawn's P.O.V

Nakikipagkita sa akin yung girlfriend ko nung araw na yun. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang, may sa sabihin daw syang importante sa akin. Kaya di na ako nagdalawang-isip at pumunta na sa meeting place namin.

Ayy BTW, ako nga pala si Shawn. Isang college student. Loyal at isa pa lang ang nagiging-gf since birth.

Yung gf ko ay isang college student din kagaya ko at 3 years na kaming mag-bf/mag-gf. Alam Kong mahaba na yun sa panahon ngayon kaya talagang pinahahalagahan ko sya. Naging loyal ako sa kanya kahit na maraming naging problema sa relasyon namin.
.
.
.
.
.
.
Dumating na ako sa meeting place namin sa isang park na paborito naming pasyalan kapag nagde-date kami at nagce-celebrate ng monthsary at anniversary namin. Wala sya nung dumating ako, kaya naghintay ako sa kanya.

Dumating na sya matapos ang ilang minutong paghihintay ko. Tumayo ako para i-kiss sana yung pisngi nya pero pinigilan nya ako at sinabing umupo na lang ako at wag ng tumayo. Sinunod ko naman yung sinabi nya dahil parang nagmamadali sya.

Tinanong ko sya kung ano yung sasabihin nya sa aking importante. Pero wala syang ginawa kundi tingnan lang ako sa mata. Medyo kinabahan ako nun kasi di sya nagsasalita at baka mabigla ako sa sasabihin nya. Hinintay ko na lang na magsalita sya para di naman nya sabihin atat ako.

"Break na tayo" pabulong nyang sabi. Hindi ko alam kung yun talaga ang narinig ko kaya pinalinaw ko sa kanya yung sinabi nya. "Anong sabi mo? Pwede mo bang ulitin? Di ko kasi narinig ng maayos eh." Sabi ko sa kanya. "Ang sabi ko, Break na tayo!!" Medyo pasigaw nyang sabi sa akin. "Ha??! Bakit?! Ano bang nagawa ko sayo??! May Mali ba sa akin ha??! May bago ka na bang mahal?!?! Sagutin mo nga ako!!?" Sabi ko sa kanya na naiiyak na. "Basta! Ayoko na sayo" sabi nya sa akin at tumayo na. Iniwan nya lang ako ng umiiyak dun sa may park.

Simula nung nangyari yung araw na yun. Nawalan na kami ng communication sa isa't-isa at dahil dun, nag-iba ang ugali ko.

At dahil sa kagustuhan Kong makamove-on sa kanya eh, naghanap ako ng babaeng mas mataas ang antas sa kanya. Yun bang mas maganda, mas matalino, at mas better kaysa sa kanya.

The Rebound (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon