Epilogue:

3.6K 77 4
                                    

matapos ang mahabang paghahanda

ay dumating na rin ang

pinakahihintay na pag-iisang dibdib

ni Iya at Justeine.

.

ang lahat ay nakaabang sa bakuna

ng simbahan sa pagdating ng bridal

car na kinalululanan ni Iya.

.

samantalang si Justeine ay kasama

ng kanyang magulang na

nakikipag.usap sa mga sponsors ng

kasal.

.

halatang kinakabahan si justeine at

pinagpawisan ito.

"relax bro darating yun." saad ni

mark sabay tapik sa balikat ni

justeine.

napakaganda ng kaayusan sa loob at

labas ng simbahan. halatang

pinagkakagastusan ng malaking

halaga ang dekorasyon. puno na sari

saring bulaklak na kulay puti at

pink.

magarbo naman ang kasuotan ng

mga bisita. parang prinsisa naman

at prinsipe ang mga abay sa kasal sa

kanilang pink na damit na iba-iba

ang disenyo at pagkayari.

nagsipasukan na ang lahat ng

iannounce ng wedding coordinator

na malapit na ang bride.

saktong nakapwesto na ang lahat ng

tumigil ang bridal car sa harap ng

simbahan.

nagsimulang tumugtog ng awit

pangkasal ang orchestra na

sinabayan ng isang magaling na

mang.aawit.

unang naglakad ang groom kasama

ang magulang. sumunod naman ang

mga sponsors na kapwa nakangiti.

sunod sunod na ang paglakad ng

mga abay at panghuli si Aye at Mark

na nagsilbing maid of honor at

bestman ng kasal.

ng makapwesto na ang lahat ay

bumukas na ang malaking pintuan

ng simbahan. bumungad sa lahat

ang napakagandang si Iya suot ang

elegante at mamahalin nyang gown.

isang off shoulder na puti na may

touch of gold ang suot nya.

napakahaba naman ng belo na

tumatakip sa kanyang mukha at

sumasayad sa sahig sa likoran.

para syang reynang dahan dahang

naglakad papalapit sa kanyang hari.

nakangiti pa xa kahit hilam ang

luha.

.

ng marating ang kinaroroonan ni

Justeine ay humalik muna sya sa

magulang nito bago tinanggap ang

kamay ng binata at tumungo sa

harap ng pari.

hilam ang luha ng bawat isa ng

simulan ang seremonyas ng kasal.

halos mapaiyak din ang mga

nanonood habang nagpalitan ng

wedding vows ang dalawa.

natutuwa ang lahat dahil sa wakas

ay ikinasal na din ang

magkasintahan.

natapos ang seremonya ng kasal at

puno ng sigawan ang simbahan ng

halikan ni Justeine si Iya na ngayon

ay asawa na niya.

sumunod naman ang pagkuha ng

litrato. lahat ay gustong makasama

ang bagong mag.asawa sa

pagpapapicture.

binuhat naman ni justeine ang

asawa palabas ng simbahan ng

matapos ang pagpipicture. isinakay

niya ito sa bridal car at tumungo na

sila sa reception.

napakaganda din ng pagkakaayos ra

reception. gaya ng gusto ng dalawa

ay puno din ito ng bulaklak.

bumabaha ang pagkain at inuming

wine. may tumutugtog din habang

kumakain ang mga bisita. halos

mapuno ang reception area sa dami

ng dumalo. mga kaibigan, kakilala,

kanegosyo, at mga dating kaklase ni

iya at justeine.

may mga presentasyon din para sa

kanila. ipinakita din ang video na

kuha sa kasal.

halos maghahating gabi na ng

magsiuwian ang bisita na panay

kantyaw pa sa bagong kasal.

masaya si iya at justeine dahil di

man tulad sa fairy tale na happily

ever after ay naging happily married

naman sila. di man nila alam ang

mangyayari sa darating na panahon

ng kanilang pagsasama sa buhay

bilang mag.asawa ay pipilitin nilang

patatagin ang kanilang pamilya.

END

------------------

A/N: ayan tapos na. hapily married

na sila. hehehe. tanx sa pagbabasa.

love: malditang_nurz

Addicted to You^o^ (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon