Part 2

39 7 0
                                    

Natapos ang buong araw ko na walang Big Deal na nangyari. Pero masaya ako at nagkita-kita kami ng mga Blockmates ko noon uunti lang sila pero masaya parin kasi kung sino-sino pa yung mga ka-Close ko sila ang mga nagpakita, nakakamiss pero kailangan namin maghiwa-hiwalay, iba iba kasi mga major namin.

Unang araw pa lang eh busy na ako sa mga Requirements at Assignments, agad? Ano pa nga bang bago diba. Lagi-lagi naman eh.

##

Ayan na nga at Classmate ko na si Jerchris na yun. Na-OP na talaga ako sa dalawang ito, panay pinag-uusapan ang High School Life nila. Tsss =__________= Pwede ba College na kayo. Pinag-uusapan niyo pa rin iyan. Siguro namimiss lang naman nila, kahit rin naman ako eh. Kaso, wala akong mapag-sharean.

Buti naman at nakaramdam itong si Rhean na di ako nagsasalita.

"Huy, magsalita ka naman. Ayaw mo ba sa kanya?" Tanong sa akin ni Rhean, at tinutukoy niya si Jerchris.

"Honestly, di ko siya feel eh. Pero para di ako ma-others sa inyo. Sige kakausapin ko siya." Sabi ko na lamang kay Rhean.

Naaawa ako sa sarili ko eh. Wala akong kausap. Pero darating din ang araw na magiging ka-Close ko mga Blockmates ko. Nahihiya lang naman ako ngayon. Tsaka ayoko yung ako ang unang magaapproach eh. Maarte kasi ako.

Nang maglaon nga ay nakausap ko na si Bakla, ay este si Jerchris. Mabait naman siya sa tingin ko, napag-alaman ko nga na matalino siya at talented. Mahilig tumugtog ng instruments, mag-drawing and lastly he loves singing. Kaya di maglayong magkakasundo kami dahil nga sa similarities namin sa pagkanta.

Nang tumagal, si Rhean na ang na-OP sa amin. Kami ni Jerchris ang lagi magkausap, nagkekwentuhan at nagkakantahan. Nagpapalagayan ng loob ika nga nila.

Pero ano 'tong nararamdaman ko?

Masaya ako kapag nandiyan si Jerchris.

Masasabi kong di pa kami Close pero parang..

Gusto ko na ba siya?

Ano na naman ba ito? >_________<

Sagana ako sa Crush Life, alam ng lahat yun.

Pero at the back of my mind? Gusto ko ng iwasan ang mga kahibangan kong ito noon, magpahanggang ngayon pa ata.

Ayoko ng makaranas ng Heartache na parati ko na lang nararanasan.

Kapag aamin ako, 'coz I cant help my feelings anymore.

Sometimes, they IGNORE!

then sometimes they treatened me as NOTHING!

Iwasan at ilangan kung baga, na para na kaming walang pinagsamahan.

Ang intensyon ko lang naman ay masabi ko kung ano man ang nararamdaman ko, and after that. Wala na, I'll keep trying to move on after this. Mahirap na.

Nakaranas na ako ng sobrang sakit na Heartache, 6years ago! Oo kung bibilangin mo, elementary pa ako nun. Gusto ko siya for about 3years pero masasabi ko na ring napamahal na siya sa akin.

But suddenly, Time Changes us. Pinaghiwalay kami ng tadhana. Without noticing me na May Gusto Rin siya sa akin :( DAMN! Ang sakit!

< AN - Basahin ang 'At first you kiss me' para malaman niyo >

Nakoo. Bahala na talaga. Ang bilis ko talagang ma-Inlove bakit ba kasi ganun?

Sinasarili ko na muna kung ano itong nararamdaman ko. Mahirap na, baka di pa ako siguro sa namumuong admiring feeling ko kay Jerchris.

Tsaka ako magsasabi kung sigurado na ako sa kung anong nararamdaman ko.

Sing with Me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon