Higa, Upo, Higa, Kanta, Upo, Basa Wattpad, Tayo, Handa ng mga Gamit, Upo, pose dito - pose doon picture picture, Higa, text-text, Higa.
Argh! Di ako mapakali. Ang aga-aga kung ano anong ginagawa ko.
Ano ba kasing mayroon?
Well, start na ng 2nd semester ngayon. Bagong blockmates, bagong classmates, bagong kaibigan, bagong subject, bagong professor, BAGONG CRUSH/ES? Aish! Erase that thing Jenisse! Magtino ka na nga.
Bakit nga ba ako nagkakaganito? Kapag may ganito kasing pangyayari sa buhay ko nae-Excite ako. Hindi ko alam sa sarili ko, pero mukha na akong TANGA! Pero hindi, totoong TANGA ako isama mo na rin ang BALIW. Tandem yang dalawang iyan eh. Gaya last semester, isang araw bago magpasukan nagkalagnat ako. Pagtulungan daw ba ako ng mga ate at kuya ko at sabihing..
"Sus! Excited ka lang eh."
Pero hindi ko naman sila masisisi diba? Mas may alam sila sa akin at mas nakakatanda sila. Kaya alam na nila ang mga ganitong pakiramdam. Naranasan din kaya nila magka-Crush?
Ako si Jenisse Blancaver, 16 years old. College Freshmen Taking up BSCOE. Wala akong Lovelife dahil may ruling sa bahay na Study First okay, susundin ko yan. Para naman sa akin yun eh. Pero mayaman ako, Mayaman ako sa Crush Life simula pa nung Elementary ako. Madali akong maattract sa boys, their looks, attitude, actions and anything. Lahat yun minahal ko pero kahit crush lang ito naboBroken ako, ewan ko nga ba :(
Tumayo na ako para kumain, maligo at ayusin ang sarili ko. Ilang minuto na lang at aalis na ako papuntang school. Kung saan makakasama ko si Rhean, si Rhean na natitirang blockmate ko last semester. Iwan daw ba kami ng mga ka-Course namin? Well, okay na yun para mas marami pa kaming makilalang iba. Limang buwan din kaming nagsama ng mga yun, pero honestly. Nakakasawa mga pagmumukha nila!
Ngayong nandito na ako sa school, malapit na magtime para sa 1st period namin. Kinakabahan ako! Whoooo. Ganito pala talaga? Iba-iba na namang mukha ang makakasalamuha ko. Sana may pogi. *u*
Pagpasok palang namin ni Rhean, nasi-sense na namin na magiging others kami sa mga ka-blockmates namin. May unting kaingayan na dala ng mga grupo na animo'y magkakakilala na. Nakaramdam naman ako ng hiya. Pero hindi ko yun pinapakita makapal kasi mukha ko.
Lumipas ang Morning Classes namin ni Rhean, na kami lang ang magkasama. Ni hindi man lang kami nadagdagan kahit isa. Wala pa kaming kilala sa mga classmates namin ngayon.
"Nakakapanibago ka naman ngayon Jenisse, may pagkamahiyain ka rin pala." Sabi sa akin ni Rhean na parang nang-aasar. "Akala ko ba madaldal ka? Bakit di ka naman ata nakakapagsalita ngayon?" Dagdag pa nito.
"Oy, Di porket madaldal ako last sem eh pwede ko ng gawin agad yun ngayon. Hello first day po ngayon. Petiks ka lang, mga ilang araw lang dadami na rin kaibigan natin." Sabi ko kay Rhean na punong-puno ng confidence sa katawan.
"Naku! Siguraduhin mo lang Jenisse nuh? Nakakasawa na kaya ang mukha mo." Asar ni Rhean sa akin. Itong babae na 'to talaga.
"Hoy! Baka nakakalimutan mo, ng dahil sa akin malamang wala ka ng kasama ngayon. Pasalamat ka pa nga eh dahil ginaya ko ang schedule mo." Sabi ko kay Rhean na medyo napataas ang tono.
"Okay sorry, tara punta na tayo doon." Sabi niya at tsaka nagsimulang maglakad.
Papunta kami ngayon sa College Office namin para kuhain ang Class Card namin last semester. Nagkwentuhan lang kami sa harap ng window habang hinihintay na mapasaamin ang Class Card namin ng mabaling ang atensyon ni Rhean sa isang lalaki sa kabilang Window.
BINABASA MO ANG
Sing with Me (completed)
RomanceI written this Short Story for my Filipino Subject. Ang daming kaartehan Kailangang gumawa ng OWN BLOG! Buti na lang kahit kakapiranggot, nakaisip ako. Salamat sa magbabasa :)