Chapter 1
Everything has began...
NAPAHINGA ako ng malalim pagkababa ko ng tricycle.
Grade 7 palang ako at ito ang unang beses na makakapak ulit ako sa isang Public School dahil simula Grade 2 ako ay sa isang pribadong paaralan na ako pinag-aral.
Hindi kami mayaman ngunit hindi rin naman kami mahirap. Nasa kumbaga average ang pamumuhay namin.
Kapag may pumapasok na estudyante ay pinadidiretso na ng mga guwardiya sa gym. Ganun din ako.
Pero san ba makikita yung gym?
May pagka-anga rin pala yung mga guards dito. Sana gina-guide or may map sila na ibinibigay. Haay....buhay.....parang life...
Ang ginawa ko na lamang ay sumunod sa mga estudyante dahil papunta rin naman sila ng gym, diba? At hindi nga ako nagkamali, dahil may-maya lang ay namataan ko na ang covered gym ng school.
Naki-linya na lamang ako sa ibang grade 7 na katulad ko. Hindi ko kasi alam kung saan ang linya ng mga nasa Science section.
Ilang sandali pa ay may lumapit na guro sa aming linya, tinatanong ang bawat section na kinabibilangan namin. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tinanong ko na siya kung saan ang linya ng Science section.
"Ikaw nga yung last student ko. Halika na. Ako ang guro ng section sa Science."
Swerte! Buti at hindi na ako masyadong nahirapan hanapin ang magiging guro namin.
Maya-maya lamang ay pumunta na kami sa magiging room namin. Maaliwalas sa loob at light lang ang kulay ng pintura kaya't kaaya-ayang tingnan. Ngunit ang sabi ay lilipat rin daw kami ng building.
Ang una naming ginawa ay ang pagpapakilala. Sumulat kami sa 1/4 ng mga pangalan namin at isa isa kaming tinawag.
"Dela Cruz, Keira Sheen? To the front."
"Yes ma'am. Goodmorning everyone. My name is Keira Sheen P. Dela Cruz. I'm 12 years old."
"Next, Gonzales, Felicity Faith."
Tumayo na ako pagkatapos kong marinig ang pangalan ko. Nakasalubong ko si Keira Sheen kaya't nginitian ko sya. Ngumiti naman sya ng pabalik.
"Goodmorning. My name is Felicity Faith M. Gonzales. I'm 11 years old."
Alam ko, na pagkatapos kong magpakilala ay magsisimula na ang bagong kabanata ng buhay ko.

YOU ARE READING
Desperate
Teen FictionFelicity Faith Gonzales - a normal type of school girl. But she did have a complicated life or should I say - Family. She did met an accident and her memories are still a blur after years. She's keeped by the family of the boy who got her into acci...