3

0 1 1
                                    

Chapter 3

all about him

"Paano na nga yung gagawin?---" Napatigil sa pagsasalita si Faith ng maramdaman na nag-vibrate ang cellphone nya.

*beep**beep*

Naka-silent to ah.

Binuksan ko ang message ng kaklase ko.

From: Kaye

Plug!

Angelo Monteverde
09*********

Text nyo nalang. Thanks.

Nanlaki ang mga mata ni Faith sa nakita.

Number niya ba talaga 'to? Shet! Si Kuya Angelo!

Muntik na akong mapatili pero buti nalang ay napigilan ko at nagtatalon nalang ako sa higaan sa kwarto ni Antoinette!

"Oh? Faith? Number ni Kuya Angelo oh?"

"I know! Nnyha! I know!" Impit ang tiling sambit ni Faith.

"Oh god. Nasa heaven na sya nyan? Magkaka-crush nalang sa mahaba ang baba pa. Haist." Sinipat ko ng masamang tingin si Zyrene.

"Tsk. Mamaya nayan. Yung report muna natin. Laging wala sa group natin si Niele." Narinig ko pa ang pag-buntong hininga ni Antoinette.

Tinigil ko muna sandali ang panggugulo sa kanila at sinubukan kong itext ang number ni Kuya Angelo.

Nilagyan ko pa ng ring tone ang cellphone ko habang naghihintay ng reply.

Hindi lumagpas ng limang minuto at nagreply na sya ng hello din.

Napag-alaman ko pa na ang totoo nya palang pangalan ay March (Mark) Angelo D. Monteverde.

Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay hindi mabitawan ni Faith ang kanyang cellphone.

Kahit habang nag-cha-charge.

From: Kuya Angelo

4 yung uwian namin tapos 5
na 'ko nakakauwi kasi may
practice pa kami sa badminton.
:)

To: Kuya Angelo

Baka naman magka-abs ka po
nyan ah? Hahaha

From: Kuya Angelo

Meron na nga eh. Pero hindi lang
halata. Hahaha.

Pagulong gulong sa higaan nya si Faith habang hawak ang cellphone nya.

"'Nak! Kain na!" Agaran na lumabas si Faith sa kanyang kwarto at bumaba patungo sa hapag.

"Ma. Si Ate. Nakita ko kanina, kinakagat yung unan nya. May katext." Dinapuan ko ng masamang tingin ang kapatid ko.

"Hayaan mo na ang ate mo Clave. Basta huwag lang nyang pababayaan ang pag-aaral nya at sa bahay ka magpaligaw ha!" Napanguso nalang ako.

"Daddy! May crush si ate sa school nya! Sinabi sakin ni Ate Zyrene! Ange----" tinakpan ko agad ang bibig ng katabi ko.

"Faith. Tigilan nyo nga ang ate nyo! Clave! Clade!"

Napaayos kami ng upo.

"Alam na namin 'nak. Akala mo ah? May nag-rereport samin ng mga gawain mo sa school nyo."

"Mama oh! Si daddy!"

"Kumain na nga lang kayo."

Habang kumakain si Faith ay nag-beep ang cellphone nya ng tatlong beses ngunit hindi nya iyon napansin.

From: Kuya Angelo

Bunso? Uy. Di ka na nagreply.

From: Kuya Angelo

Bunso?

From: Kuya Angelo

Do you want to know all of me?

Lumihis ng sobraaaaaaaaaaaaaaaaaa yung story na'to sa experience ko sa crush. Grabe until now crush ko parin si Kuya Angelo. Two years na. Hahahahaha..haha....haha....aaahhhhhhhh!!!! 😭😭😭😭

DesperateWhere stories live. Discover now