Mitch. Iyon ang pangalan ko. Isa ako sa mga simpleng estudyante na hindi kapansin-pansin sa aming paaralan. Wala ako sa hitsura upang may magkagusto sa'kin at wala akong ibubuga pagdating sa mga cool kids sa school namin. Hindi ako tinitilian ng mga tao. Hindi ako yung tipong maraming followers sa social medias. Hindi din ako tinitingala ng mga tao.
Kahit na wala ako ng mga katangiang iyon, isa lang ang bagay na mabuti at kapansin-pansin sa'kin, ang pagiging isa sa mga top 10 at ang pagkakaroon ko ng maraming alam tungkol sa siyensiya.
Hindi ko alam na sa pagiging ganito ko, magkakaroon pala ako ng gusto. Siya yung babaeng kabaligtaran ko, isang babaeng hindi ko aakalaing mahuhulog pala ako.
Pero bago siya, may mas nauna pa akong nagustuhan.
Reina ang pangalan niya. Isa siyang babaeng tahimik, palaging nag-iisa, at hindi marunong makipagkaibigan. Top 1 pa siya sa aming klase dahil sobrang talino niya kaya naman humanga ako sa kanya. Halos magkatulad lang kami pero hindi nga lang ako mapag-isa. Nakikipagkaibigan naman ako at may mga nakakausap pa ako.
Nung nagustuhan ko siya, nakipagkaibigan ako sa kanya. Palagi pa nga siyang binu-bully ng mga babae at lalakeng bully sa aming klase na sina John, Billy, Brent, May, Risa, at Minny kaya ako ang nagtatanggol sa kanya. Galit na galit ako sa mga grupo nila dahil sa sobrang kasamaan nila. Kahit ako ay dinadamay din nila.
Naging mabuting magkaibigan kami ni Reina. Minsan ay magkasama kaming mag-aaral o kaya'y mag-uusap kaya naman patuloy akong nahuhulog sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa taong katulad niya? Siya yung mabait, matalino, maganda (kahit ayaw niyang maniwala), at mabuting tao. Halos lahat na siguro ay mabuti sa kanya.
Ngunit kahit ako lang itong mag-isang umibig sa kanya, hindi ako lumayo sa kanya. Kahit alam kong kaibigan lang ako sa kanya, ayos lang sa'kin basta makasama lang siya. Isang araw nagising nalang ako na hindi kami bagay dahil mas bagay daw sila ng kaibigan ko. Dahil doon, hindi ko na hinayaan ang aking sarili na mahulog sa kanya.
At natupad nga ang dapat kong gawin. Isang araw, hindi ko na din naramdaman na gusto ko pa siya pero nanatiling magkaibigan pa rin kami. Akala ko nung una, siya na yung kaunahan at kahulihang magugustuhan ko...
Pero nagkamali pala ako.
April. Nagkaroon kami ng proyektong tungkol sa gaganaping role play. Maayos naman ang mga ka-grupo ko nang mapansin kong kabilang din pala siya grupo namin. Nandun siya kasama ang malditang kaibigan niya. At naiinis pa nga ako kung bakit ko yun nakagrupo.
May. Iyon ang pangalan niya. Isa siya sa mga cool kids na kinaiinisan ko dahil nga sila ay mga bully at pahanga. Siya din yung tipo ng babae na maarte, mataray, maldita, at halos na yata sa kanya ay masama kumpara kay Reina.
Isang araw, nabalitaan ko nalang na ako ang bida at siya ang leading lady sa aming role-play. Sa tuwing magprapractice kami, mararamdaman ko nalang ang pagkainis dahil tinatarayan niya ako at kinaaduwaan.
Nakakainis talaga ang kanyang mga ugali. Kahit sinong tao, babae man o lalake, hindi makatitiis sa kanya maliban nalang sa mga kaibigan niya na mga maldita at bully din.
Ngunit ang lahat ay nabago.
April 20, 2016...
Kami ang ikalawang magprepresenta sa stage. Noong oras na namin para gumanap ay nagkakita-kita na kami at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung makita ko siya. Noong oras na yun, saka ko lang napansin na maganda naman siya kaso panget ag ugali. Hindi ko din alam kung bakit ganon nalang ang pagtibok ng puso ko.
Alam ko naman na siya yung babaeng kabaligtaran ko, ang babaeng hindi ko tipo pero ang hirap ipaliwanag kung bakit ba ako nahulog sa kanya.
Noong simula na ng play, ang dami pa niyang arte. Hahawakan lang ang kamay ko hindi pa magawa. Pero nang patagal na nang patagal ang play napapangiti ako nang dahil sa kanya. Marami siyang mga bagay na nagagawang katawa-tawa sa'kin. Hindi talaga siya nagpapatawa pero may pagka-clumsy kasi siya nung play namin.
Yung kaartehan din niya ay naging katawa-tawa na sa akin. Hindi na ako nagagalit sa kanya at nagagawa ko nang tanggapin na ganon talaga siya. Halos ayaw ko nang magtapos ang play dahil sa kanya. Ang hirap talagang ipaliwanag.
Isang araw lang nangyari ang lahat at sa isang araw na yun, nalaman ko na gusto ko na pala siya.
...
Nang matapos ang role play namin, pinuntahan ko siya upang masabi kong 'CONGRATS' sa kanya kaso hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita ko siya at ng kanyang boyfriend. Alam kong wala akong karapatan kaya hinayaan ko nalang na ako ang masaktan.
Patrick. Iyon ang pangalan ng kanyang boyfriend. Kaklase ko siya na sobrang sikat, may pagka-talino, habulin ng mga babae, at may hitsura. Higit talaga ang mga katangian niya kaysa sa akin. Ako, simple lang, di sikat, at wala lang.
At nang makita ko silang dalawa, hindi na ako nag-abala pang bumati kay May. Alam ko naman kasi na kahit kailan ay hindi ko mahihigitan si Patrick at kahit kailan...
Hindi niya ako magugustuhan.
Kaya ang ginawa ko nalang, umalis na ako papalayo. Gusto ko sanang magtapat sa kanya kaso naalala kong wala na akong pag-asa. Ang hinihiling ko lang sana ay ang sumaya siya at huwag siyang iiwan ni Patrick.
Ngayon, patuloy nalang ako na nagmamahal nang patago sa kanya.
At iyon ang aking sikreto.
