Chapter 2 - Friend Request

2.2K 26 4
                                    

Ayun, after ng lahat ng sandamukal na reports na tinapos ko , pagpapasyensya sa mga makukulit na team leader na walang ginawa kundi humingi ng huddle para sa mga agents nila kahit na lawit na dila ng ibang mga ahente bilang qeueing nga, e nagutom na ako at pumunta na sa pantry ng office..as usual, generic na naman ang mga ulam (term ko sa paulit ulit nilang menu na nakakaumay na. Hindi ko nga alam kung san napupunta yung survey na pinagagawa nila about sa mga consessioner namin e. Wla namang pinagbago)

As usual nakasalpak lang yung headphones ko sa tenga ko habang nakikinig ng mga saved playlists ko. Browse lang sa Facebook at Youtube. Ako lang madalas kumakain magisa. Hindi sa loner ako or something pero wala lang talagang makasabay.

Pagcheck ko ng Facebook ayun may mga friend requests. Minsan hindi ko na tinitingnan kung sino mga yun. Accept na lang ako ng accept. Kalimitan kasi mga Agents din yun sa office. Yung mga bagong agents na kasasampa lang sa production floor. Dumaan ang buong shift ko tulad ng ibang araw. Pagkauwi ko ng bahay. Nagcheck ako let ng Facebook ko at tiningnan kung sino yung mga bagong Facebook friends ko. Karamihan mga babae pero alam nyo naman na I really don't swing their way. Hanggang sa makita ko yung isang profile na nag add sakin.

"Seriously?!" Yan lang nasabi ko sa profile nya. Sino ba naman hindi mabibigla kung ang mag add sayo e gwapo at matangkad, at mukhang mayaman at may kotse at mukhang mabango at may abs at may say talaga at what??!! Model/Actor. Sa curiosity ko nagcheck ako ng profile nya talaga. Mukha naman legit kasi matagal na yung profile nya at ang daming mga followers. Nakita ko na may mga endorsements siya at may mga TV commercials na din na nagawa. nagtaka lang ako kasi bakit nya ako inadd sa Facebook e simple at low profile lang naman akong nilalang.

After magcheck ng profile niya, natulog na lang ako at binalewala ko na lang. "Siguro gusto lang nitong dumami ang fans at followers nya"
----------------------------------------------------------------------------------

Hi wattpad readers! Thanks for checking out this story..medyo natagalan lang sa paguupdate. And sorry kasi medyo maikli lang tong update na'to i'll promise to update soon. Comments jan! Ty!

Mr. CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon