Chapter 4 - Invite

2.4K 28 16
                                    


Hi wattpad readers...sorry na kung ngayon lang ako nakapag update. .Medyo marami kasing nangyare this past few weeks na hopefully maisulat ko dito. Keep reading and I will publish the next chapter next week. Salamat!

--------------------------------------------------------------------------------

Usual day. Usual scenario. Sobrang boaring na din sa office kung tutuusin pero syempre hindi ko pinapahalata sa mga tao sa paligid ko. Ayoko naman kasi na magsimula ng negativity sa paligid ko. As much as possibe kailangang positive vibes lang... Ngiti lang sa mga nakakasalubong at bumabati sakin sa trabaho kahit na mukhang toxic na.

Mabuti na lang nanjan si Joseph para maging inspired ako. Looking forward lagi sa lunch break para makachat sa Facebook. Tulad ng dati, same spot sa sulok ng pantry ako pumuwesto matapos kong bumili ng pagkain. Nakikinig sa palylist ko sa telepono. At positibo, may bago syang mensahe..

"Ei Jed musta na?" Ilang oras n din yata 'tong message na to pero naka online parin sya. Buti na lang!

"Eto kakain ng lunch ko. Kaw kumain naba?" Syempre excited ako sa reply niya. Nakaonline naman kasi sya.

Lalo akong naexcite kasi kita ko na nagtatype na sya ng reply para sakin.

"Ah mag isa ka lang? Loner kaba? Sayang sana pala nasamahan kita jan. :)"

"Ano? Hindi naman ako loner. Wala naman talaga lang talaga akong makasama. Kaw kumain na?" Ang tanong ko para humaba pa conversation namin. Ayoko naman na basta na lang wala kaming mapagusapan.

"Yes tapos na din akong kumain. Nga pla may itatanong ako sayo.."

Bigla naman akong natigilan sa pagkain ng nabasa ko yun..ano kaya naman ang itatanong nito?

"Ano ba yun?"

"Kasi may nagugustuhan ata ako ngayon. Gusto ko pa syang makilala. Pano ba yun? Ano bang dapat kong gawin. Nakakachat ko sya this past few days e..kaya lang mejo nahihiya ako".

Wait...ano ba ito? Hmmm..muntik na akong mabulunan matapos kong mabasa chat nya sakin. Ayokong maging assuming pero magaassume na din ako. Ako kaya sinabi ng taong to?? Pero mukhang negative e.

"Ah? Sino ba yan? Eh di yayain mo lumabas? Alam ko namang sanay kana sa ganyang mga galawan tapos ako pa tinatanong mo? Showbiz ka diba?

May pagkasarcastic talaga ako minsan ako pero medyo nagsisi ako sa reply ko kasi baka naging offensive ang pagkakasabi ko sa kanya.

" Yun nga balak ko e, kaya lang nahihiya ako..mahiyain kasi ako pagdating sa ganyan." Sabay send pa ng mga kung anu anong emoji na pacute.

...nakikipag flirt ba tong si kuya sakin? Sige sakyan natin..

"Kailan ba kayo nagsimulang magchat? Ano bang name nia?"

Medyo straight to the point nako nagtanong kasi excited di akong maconfirm kung may chance na ako nga yun (talagang assuming na talaga ako ng lagay na 'to).

"This past few days pa lang. may 'j' at 'd' name nia".

sabay send na naman siya ng mga emojis na pacute, na nakakahiya man sabihin pero kinilig ako ng bahagya. Ngiti hanggang tenga ako kahit na medyo pinagtitinginan na ako ng mga tao sa pantry.

"Ako ba yan?" Straight to the point kong tanong. Ayoko kasi ng paligoy ligoy minsan. Gusto ko ng sinasabi na lang lalo na sa ganitong pagkakataon.

"Hahah..kapal mo naman! Ayos ah..pero oo kaw nga..interesado kasi ako sayo.."

Mga ilan segundo din akong natigilan matapos kong basahin yung reply niya. Agad akong pumunta sa profile niya. Tiningnan timeline niya at mga pictures sabay hinga ng malalim...'seryoso ba itong tao na to? - Gwapo, mayaman, may kotse..too good to be true na dream guy ko, e eto kachat ko at niyaya akong lumabas'.

Agad akong nagcompose ng sarili ko na parang nanjan lang siya sa harapan ko at sabay hinga ng malalim.

"Sir seryoso ka? Anong meron? Napaka low profile kong tao at ikaw..i mean model and actor pero niyaya ako na lumabas. Ok ka lang ba?'

" Wala naman kaso don, basta interesante ka. Base sa pagkakakwento sakin ng nakasama ko dati sa isa sa mga projects ko na naging kawork mo dati. Ano pwde ka? :)"

" Sino ba yung nagpakilala sakin sayo? Nacurious naman ako? Wala akong maisip na pwedeng maging common friend natin"

"Hindi na mahalaga yun, makikilala mo din sya minsan. So ano pwede kaba? Sa Friday night?"

Sa totoo lang hindi ko alam kung sasama ako. Una first time ako mayaya ng ganito. Pangalawa iba ang lugar na ginagalawan niya. Hindi ako sanay lumabas at umunta sa kung saan saan. Mas gusto ko pang matulog na lang sa off ko.

May kasama ba tayo?" Hindi ko muna siya sinagot kasi pinakikiramdaman ko muna ang sitwasyon.

"Meron naman. Yung ibang mga katrabaho ko. Kaya wag kang mag alala. Wala akong gagawing masama sayo"

Lalo tuloy akong nagdalawang isip kasi baka ma out of place lang ako sa kanila. I'm sure clubbing ang hangouts ng mga taong ganito ang profile.

"Ah, e...hindi ko alam e. Baka ma-out of place lang ako sa inyo. Hindi ako sanay sa mga ganyan.'

" Aw ganun ba :( sige kung ayaw mo tayong 2 na lang..sa palagay ko mas ok yun diba? Ano pwede kana ba?"

Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Sa totoo lang mas gusto na kami lang dalawa para wala ding distractions...para magkalilala ng mas mabuti. Isa pa date naman to diba- yun ang tingin ko. Heheh

"Ah okey..sige..sa friday.."

"Great! Sige tingnan ko sched ko sa friday para matext kita what time tayo at san tayo. Sunduin na lang din kita para hindi ka mahirapan magcommute".

Yay..sundo pa talaga ? Parang babae lang? Pero natuwa naman ako sa gesture na yun.

" ah sige.."

"What nga pala number mo?"

" ah eto..0915xxxxxxx magpakilala ka na lang ah?

"Copy!"

Nagulat na lang ako ng biglang may nagtext sakin na unregistered number..

"Hey Jed! Joseph here..please save my number..see you on friday! ;) "

"Okey..see you" syempre maikli lang mga reply ko. Ayoko naman kasing ipahalata na head over heels din ako sa paglabas with him.. baka nga anytime from now maghyperventilate pa ako..heheh.

Isang oras din pala kaming nagchat. Kailangan ko ng bumalik sa loob. Halos lahat yata ng nakakasalubong ko e ningingitian ko na. Isipin nila na baliw ako.. Pero parang ganon ata talaga kapag kinikilig ka. Matagal ko na ding hindi nararamdaman to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon