SACRIFICE.

3 0 2
                                    

Friday ngayon at P.E namin kaya pumunta ko sa locker ko upang kunin ang uniform ko.

Pagkabukas ko ng locker, may nahulog na puting sobre at nakita kong may kwintas doon sa loob na may pendant na kalahating puso.

Sophie,
     Unang araw ng klase. . . . gustong-gusto ko nang kausapin ka. Kaso inabutan na ko ng hiya kaya hanggang titig nalang ako sayo. Naaalala mo ba nung pumasok ako at ikaw palang ang tao sa room? Akala ko makakausap na kita pero hindi talaga pumayag si tadhana dahil nagbell na. Kaya nung nagtest tayo, nakita kitang umiiyak kaya binigay ko sayo ang panyo ko. Nung pumunta ka sa locker, akala ko tatanungin mo ko kung bakit ko sinabi sayo yun pero mukhang hindi mo pa nababasa. . .

Hinanap ko ang papel na binigay niya. Tiningnan ko yung likod at nakita kong may nakasulat doon.

TAHAN NA. MAHAL NAMAN KITA

Hindi ko na ito pahahabain, gusto ko lang sabihin sa iyo na mahal na kita. Matagal na. Yung tatlong buwan na kasama kita, iyon ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Pero lahat ng kasiyahan, may kapalit na kalungkutan. Sorry sa lahat ng maling ginawa ko, ayoko lang madamay ka. Poprotektahan kita lagi. Lagi lang akong nasa tabi mo. Malaya ka na. Wala nang mananakit sayo. Iaalay ko pati buhay ko, para lang sayo. I LOVE YOU SOPHIE.

Sa pag-agos ng luha ko, ay kasabay ng pagtakbo ng mga estudyante. Hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako kung saan niya gusto.

Tumigil ito sa isang abandonadong building.

Ang daming estudyante, mga pulis at mga guro na nagkukumpulan.

Hindi ko alam ko ang nangyayari.

Nagising nalang ako sa katotohanan nung makita ko siya.

Duguan at walang malay.

Buhat-buhat siya ng mga nurse.

Hindi maaari !!!!

Umaagos ang luha ko habang pinupuntahan ko siya.

Kung panaginip man 'to, sana may magbuhos ng malamig na tubig sakin para magising ako.

Dinala si Luke sa hospital ngunit dead or arrival na sabi ng doctor.

"Wala na siya Sophie. Sinakripisyo niya ang lahat para mabuhay ka. Binugbog siya ng isang gang sa kadahilanang nabaon sa utang ang iyong ama dahil sa pagpapagamot ng mama mo. . . hindi na ito mabayaran ng papa mo kaya bilang kapalit, ikaw ang kabayaran nito. . ."

Ang sakit na marinig ito sa iba ...

"Sophie, hindi pumayag ang lider ng gang na bayaran sila ng pera dahil ikaw ang gusto nila. Kaya inalay ni Luke ang buhay niya bilang kapalit sa lahat ng utang ng papa mo." Paliwanag ni Shawn.

Ito na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Doble ng sakit nung mawala si mama.

Sana nung una palang, sinabi ko na kung gano siya kahalaga, kung gano siya kaimportante sakin. . . . . KUNG GANO KO SIYA KAMAHAL.

SANA . . . .

Pero . . .

Wala na eh.

Wala na siya ...

Wala na ang taong mahal ko..

Wala na si Luke.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SacrificeWhere stories live. Discover now