Two months na pala akong tanong ng tanong sa ask.fm ni InsurgentDevean.
Username niya yan sa wattpad pero ang real name niya raw ay Brent.
Ang pinaka-famous na wattpad guy author ngayon at oo, crush na crush ko siya! Isa ako sa 50,000+ fans niya sa wattpad at 20,000+ followers sa facebook at twitter. Nabasa ko na LAHAT NG STORIES NIYA, as in.
Pero hindi ganun kadali 'tong pinasok ko.
I'm Saraphina Rebecca Rivera, pero please call me Red, wag Saraphina or Rebecca ha. Medyo oldy kasi eh. 18 years old at crush na crush si Brent.
May 25 followers sa wattpad na binasa ko pa yung buong stories nila bago ako i-follow back. May limang followers sa twitter na pinakiusapan ko pa na i-follow din nila ako at may hindi nag e-exist na followers sa facebook.
See kung gaano kami kalayo ni Brent? Kaya nga pa anon-anon na lang ako sa ask.fm niya para kahit papaano makapag usap kaming dalawa. It's been two months since nung unang tanong ko sa kanya.
"Do you already have a girlfriend? -R"
"Hi R, I'm currently single."
Halos magwala na ako, isang hi pa lang ni Brent yan, and you can't imagine my epic face nung nabasa kong single pa pala ang taong gusto ko!
And syempre, hindi na ako papapigil pa. Araw-araw walang patid, ask ako ng ask sa kanya, comment ng comment sa updates, retweet at favorite sa twitter niya. Like at share pa sa facebook statuses niya.
Oo, ganito ko ka-gusto si Brent.
Hindi pa siya nagpopost ng picture niya, ever. Basta ang alam ko 20 years old siya at nag aaral sa prestigious university dito sa Manila. Engineering yung course and currently, fourth year college na siya. At ang pinaka nakapagpa turn on sakin? MAGALING DAW SIYANG MAG GITARA. <3
Oo nga pala, naka dress to kill ako ngayon dahil pupunta ako ng Wattpad Meet Up. Christmas celeb kasi ng Filipino Wattpaders kaya nag organize yung authors and syempre kasama ang mga undying supporters nila, like me.
Si Brent? OO PUPUNTA DAW SIYA SABI NIYA SA TWITTER!
Nandito na ako sa pinakamalaking mall sa Asya. Sa tapat raw ng Starbucks magkikita kita. 2pm pa yung nakalagay sa sched pero 11 am pa lang ngayon.
Pumasok muna ako at umorder ng dolce latte. Syempre venti kasi lunch ko na rin 'to at mahaba haba pa ang pagtambay ko.
Dito ako umupo malapit sa may pintuan para kapag nakita ko yung wattpad author na may nametag na "InsurgentDevean" madali akong makakatakbo papunta sa kanya.
"Miss, would you mind if I sit here?" sabay turo ng isang lalaki sa katabing upuan ko.
Nilingon ko muna ang buong coffee shop pero itong sa tabi ko na lang pala ang available. Tss, baka manggulo pa 'to sa pag d-daydream ko kay Brent ah.
"Sige upo ka lang." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Sa phone ako nakatingin dahil inaantay ko yung tweet ni Brent.
After 30 minutes, wala pa ring umiimik samin nitong katabi ko. Nakakatamad naman, hindi pa rin kasi nag po-post ng update si Brent eh. Wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya.
"Ah kuya, wattpader ka po ba?" halatang naistorbo ko yung ginagawa niya sa ipad.
"Yeah. You?" sabi niya ng hindi nakatingin sakin. Napagmasdan ko tuloy ang suot niya. Naka maroon V-neck shirt, gray pants at black vans siya. Cool.
![](https://img.wattpad.com/cover/10341323-288-k138710.jpg)
BINABASA MO ANG
In love with a Wattpad Famous (One Shot)
Novela JuvenilYung feeling na pa anon-anon ka na lang sa ask.fm niya? Yung hanggang likes ka na lang sa facebook at votes sa wattpad stories niya? Let's see kung paano nabago ang buhay ni Red mula nang minahal niya ang isang WATTPAD FAMOUS.