BEST FRIEND (one shot)

26 3 0
                                    

Theo's POV

"Hoy! Tigilan nyo nga siya. Mga bully kayo!"

Sabi niya doon sa mga nam bubully sakin. Siya lang ata yong babaeng siga na nakilala ko e.

Yan yong unang kita ko palang sa kanya. Ewan. Pero mga grade school pa kami niyan pero may naramdam agad akong kakaiba para sakanya.

Pagkatapos niyang sabihin yon. Umalis agad yong mga bully.

Bago lang kasi ako sa school kaya wala pa akong mga kaibigan. Nasanay lang naman talaga akong binubully e. Kahit sa dati ko pang school. Pat-patin kasi ako tapos may malaki pang salamin sa mata.
Kaya yong mukha ko ang daling pag tripan.

"Ok ka lang ba?"
Tanong niya sakin.

"A-ah oo."
sabi ko

She smiled at me pagkatapos kong sabihin yon.

"Mabuti naman. Halika sabay na tayo. Mag ka-klase tayo diba?"

At tumango lang ako sa tanong niya.

Pagkatapos non, naging matalik kaming mag kaibigan. Ang saya saya ko kasi naging mag best friend kami.

Parati na niya akong pinag tatanggol sa mga umaaway sakin.

"Anong nangyari diyan sa damit mo?"
Tanong niya habang tinitingnan niya yong damit ko na puro putik tapos may mga color pa.

"Sila Angelo ba?"
Tanong niya pero hindi ko sinagot para wala ng gulo.

"Ano?"
Pasigaw na tanong niya sakin.
Hindi parin ako sumagot.

Tapos bigla nalang siyang lumakad ng mabilis at sinundan ko siya.

At nong nakarating na kami sa tambayan nina Angelo bigla niya itong sinuntok at napa upo sa sahig.

Nabigla ako sa ginawa niya. Mabuti nalang at wala masyadong tao.

Tinulungan kaagad si Angelo nong mga kaibigan niya para maka tayo.

"Bat mo ko sinuntok, ha?"
Angas na tanong ni Angelo kay Max.

"Diba sabi ko wag mong guluhin si Theo. Walang ginagawa sa inyo yong best friend ko."

"Bat naman kita susundin? Nanay ba kita,ha?"
Sabi ni Angelo.

"Hindi. Dahil sinabi ko."
Sabi ni Max tapos sinuntok niya ulit si Angelo.

"Nakakarami ka na talaga, ah."

Sabi ni Angelo tapos parang susuntukin niya din si Max kaya mabilis din akong pumunta sa harapan ni Max at ako yong nasuntok.

"THEO!"
Dinig kong sabi ni Max bago ako nahiga sa lupa.

"Prrrrrrrt."

Narinig kong may pumito. Baka school guard. School hours pa kasi, naghahanap siguro sila kung sino ang nag cu-cutting classes.

At tapos non. Nandito na kami sa principals office. Tapos yong pinanigan nong principal e kami. Marami na rin kasing na bully yong grupo ni Angelo at pag may binully na naman sila ipapatawag na daw yong mga magulang nila.

"Salamat Theo ah, dahil sinalo mo yong suntok na dapat para sakin. Best friend talaga kita."

Sabi niya tapos yakap sa kin. Uminit yong mukha ko dahil sa ginawa niya. Mabuti nalang at hindi niya nakita.

Hayy.. Memories. Ang sarap balik balikan.

Ngayon Senior High na kami. Ang dali talaga ng panahon. Hanggang ngayon mag best friend pa din kami ni Max.

Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon