Chapter 24:

69 0 0
                                    

Janelle Ferrer POV:

Nandito ako ngayon sa mall kasama si Stephanie.

Medyo nagpapahangin at nagpapakalma lang nga sarili.

Nagaway kasi kami ni Ken e?

Hindi naman away na matuturing ‘yun pero nagtampo ako sa kanya.

Paano ba naman kasi tinulugan ako. (-____-)

I know I know.. parang ang OA ko ano?

Ewan ko ba basta napaka sensitive ko that time.

Magsosorry na sana ako kaso naisip ko na medyo parusahan ko lang siya kaunti. Hehehe. Oo na sige na sama ko na. kala niyo dyan. (>___>)

“Bhest! Look at this.” Sabi ni steph habang inaangat sa harapan ko ang isang pretty purple dress.

Purple.

Masyadong pansinin ang kulay.

Tumingin ako dun sa kinuhaan ni steph at humugot ako ng kulay na maganda sa paningin ko.

“Heto bhest, try mo.” Ngiting sabi ko habang inaabot sa kanya yung hinugot ko. Wahahaha!

Tiningnan niya yun at mukha namang nagustuhan niya kasi agad agad siyang pumunta sa dressing room. Paglabas niya, umiikot ikot siya sa harap ko at hinihintay ang aking desisyon.

“Bagay ba??” tanong niya.

Tiningnan ko maigi yung damit.

Yeah. Bagay talaga.

Yung pagkaka cream colored nung dress ay tama lang tapos bagay pa kay steph dahil nga maputi siya. May cute ribbon sa likod nun pero bumabagay talaga siya kay steph. Nice nice.

Nag approve sign ako sa kanya at ikinatuwa niya yun.

Umalis na kami dun sa boutique at nagikot ikot sa mall.

Hindi ko namalayan na natutulala na pala ako.

“Earth to Janelle.. Earth to Janelle.. Yoohooo??” sabi ni steph habang kumakaway kaway sa harap ko.

“Ah.. ano ulit yun, bhest?” tanong ko.

“Hay naku. Nagaway kayo ni Papa ken ano? Tsk tsk. Tara upo muna tayo dun.” Sabi niya sabay turo dun sa ice cream shop.

Pumunta naman kami dun at umupo saglit.

“Alam mo bhest, loves ka niyan ni Papa Ken. Magkakabati din kayo, okay? Sus! Nagka lovelife ka lang e tumutulala ka na. hahaha. Aray..” pout niya habang hinihimas yung braso niya na pinalo ko.

“Baliw. Hahaha. Siguro.. hindi lang ako sanay na hindi ko siya nakikita.” Sambit ko habang tumitingin ako ng pwedeng iorder.

“What?? OH EM GHIEEE!!! Bhest! You are really in love with him! Aren’t you?? Hahahaha! Grabe!!!” sabi ni steph na halatang tuwang tuwa.

“Che! Manahimik ka. In love? Hindi ko nga alam yun e.” naramdaman ko namang nag blush ako kaunti dahil sa sinabi niya. Nakakahiya kaya. (>___>)

“Wushuuuu~ pakipot!” tukso niya.

“Haha! Ewan ko sayo.”

Napatingin ako sa likod ni Stephanie at nakita kong papalapit si Kirk.

Bakit nandito siya?

Kinawayan ko siya at mukhang nagulat pa siya.

“Hi Kirk!” bati ko.

“Hi Princess!” sabi niya.

“What a coincidence. Tara upo ka muna.” Sabi ko sa kanya.

Umupo naman siya sa tabi namin pero parang namumutla siya. Hmm?? May sakit ba siya?? (O___o)?

Pumipili na kami ni Steph ng ioorder namin at pinapili ko din si Kirk.

Pero hindi soya sumasagot? Hala! Baka nga may sakit siya.

Bigla naman siyang tumayo na ikinagulat ko.

“Ah Sige Princess.”

Pagkasabi niya nun at tumakbo siya ng mabilis kaya hindi ko na naabutan.

“Anong problema niya?” nagtatakang tanong ko.

Nakatingin lang si Stephanie sa lugar kung saan tumakbo si Kirk at saka siya humarap sa’kin. Mukhang nagulat pa ang loka kasi nakatitig ako sa kanya.

“Ah bhest.. gusto ko yung sea salt caramel. Mukhang masarap e. order mo na ko ha??” sabi niya.

Nagkibit balikat ako at pumunta na lang ako sa counter.

Nang malapit na ako may nakita ako na pamilyar sa’kin.

T-Teka??? Si Ken yun ah???? (O____O)

At sino yung kasama niya???

Isang babae?

Tumatawa yung babae pero si Ken parang wala lang.

What the????

“Miss, eto na po order niyo.” Sabi nung nasa counter habang inaabot yung order ko.

================================================

STEPHANIE’s POV:

“Ang tagal naman nun.” Sabi ko habang hinihintay si bhest dito sa upuan namin.

Tagal niya e. gutom na ko. Hahaha!

Di rin naman nagtagal nandyan na siya at dala ang order ko! Yahoooo!!

Dahan dahan naman siyang umupo at ng makita ko ang mukha niya para siyang baliw na nakatulala. Ano na naman kaya nangyare dito??

“Hui!”

Niyugyog ko siya at napatingin naman siya sa’kin.

Lumungkot yung mga mata niya.

Hala? Ano ba nangyari??

“Si Ken..” sabi niya.

------------------------------------------

A/N:

UPDATED!!!!!!!!!!!! Thank you readers!! sana may nagbbsa pa. sensy medyo late ang update!! <3 what do u think??? sino ang ksama ni KEN>>???? waaaaaaahh!!!

@copyright.pandora18i

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shhh! It's a S-E-C-R-E-T! (updating&EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon