Falling in Love Chapter 2

474 12 0
                                    

NATHALIE'S  POV

"Hmmmmm! Hindi na ako makapaghintay na magkaboyfriend ka! I will find you a boyfriend as soon as possible." Pamimilit sakin ni Tori.

"GOODLUCK! " Sabi ko na lang sa kanya. Tss! Ito talaga kararating lang naghahasik na ng lagim, pakibalik nga 'to sa mental.

Maya-maya may mga litratong kinuha si Tori sa kanyang bag at inilapag sa garden table pinagmasdan ko lang ang mga iyon. Hmmm, Pogi yung tatlong lalaki. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinamimigay ni Tori ito sakin.

"This is Jonas." Pagpapakilala ni Tori sa unang larawan "18 Years old " dugtong nya bigla nyang tinuro ang lalaki sa gitna " This Slater 17 years old and Rich" Lumipat ang daliri nito sa pangatlong larawan "This Paulo 19 years old " 

"Nice Hair " Tinuro ko larawan na may pangalang Jonas

"Cute Face " Tinuro ko ang Larawan na may pangalang Slater

"Nice Nose " Turo ko sa pangalan na Paulo

"Nice Nose? Hindi mo ba napansin ang cheekbone nya. Ito nga ang nagpapogi sa kanya eh!" Sabi sakin ni Tori

"Eh? Bakit hindi mo kaya idate ang isa sa kanila?" Nagtatakang tanong ko kay Tori

"Dahil hindi ko sila Type Alam mo naman ang tipo ko " 

"Oh yeah! Badboys, badboys and not to mention BADBOYS!" Tumawa lang sya -___-

===KINABUKASAN===

Ipinakita ko yung Picture ni Jonas kay Tori

"Jonas is a player! "

"HA?!?!?!?!?! Paano mo naman nasabi yan????? " Kunot noong tanong ni Tori

"Tatlo ang Cellphone nya."

"So? Player na agad sya? Hindi ba pwedeng mayaman muna?"

"Duhh! Tatlo ang cellphone ng mga kuya ko, actually apat pa nga eh! Dual sim pa. Hindi kasi magkasya sa isang sim ang mga phone numbers ng mga babae nila! " Tinignan ako ni Tori

"Ano kaba? You're pointless Thalie!"

"Pointless na kung pointless. Pero, nung nag-CR sya pinakailaman ko ang cellphone nya puro girls name ang nasa phonebook at messages. Nabasa ko rin ang ilang messages. And then, I knew he's a player. " Hindi na nakapagsalita si Tori Itinaas na lang nya ang larawan ni Slater 

"Slater is also a Player." Sabi ko sa kanya

"Paano mo naman nasabi? =___=" Malamyang tanong Ni Tori.

"He spewed out a lot of endearments and sweet nothings. Just like my brothers ganun na ganun ang Style! Feeling ko nga kaibigan nila yan eh " 'di na nagsalita si Tori itinaas na lang nya ang picture ni Paulo

"And Paulo is----" Hindi ako pinatapos ni Tori nagsalita na agad sya .

"ALSO A PLAYER ! " Sagot ni tori

"Right . " Mabilisang sagot ko.

"Hindi ko na itatanong kung bakit. Alam mo, bakit hindi mo subukang magsulat ng librong how to detect players. It will be a bestseller, para may pakinabang 'yang kaalaman mo sa babaero." sarkastikong sabi nito. Napakabait na bestfriend =___=

Manhatters Do Fall in Love (Falling in Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon