Kean's POV
*Kriiiiing Kriiiiing* Alarm clock rings.
"Anak! Bumangon ka na diyan , naka-ready na yung pagkain. Bumaba ka na dito!" Sigaw ni Mama.
"Opo Mama! Sandali lang po" Sambit ko.
Tinignan ko ang alarm clock na kanina pa nagri-ring.
12 pm.
"Shit! 12 pm na , male-late na ako!" Pagkataranta ko.
Bumangon na ako kaagad at mabilis na kumilos at agad namang bumaba upang kumain.
"Oh anak , bilisan mo ang pagkain at baka malate ka sa pagpasok mo sa bago mong school" Mahinahong sabi ni Mama.
Nang matapos na akong maligo at kumain , agad akong nagpaalam kay Mama at sabay umalis.
"Bye Mama , alis na po ako!" I said as i was wave my hand.
-----
"Hays , 4th year High School na ako! Sana madami pa akong makilala dito sa school na ito , sana ..." Sabi ko sa sarili ko.
"Keeeeeaaaaan!!!!!"
Agad naman akong natigilan nang may biglang sumigaw at sinambit ang pangalan ko.
Si Zooey lang pala , ang besfriend ko since first year high school. Lagi kaming magkasama kaya parang kapatid narin ang turing ko sa kanya.
"Oh ikaw lang pala Zooey , pinakaba mo 'ko dun. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Kean! Di mo ba alam? Classmate tayo! Kakakita ko lang sa masterlist kanina , kaya hinanap kita agad" Sabi nya.
Tumunog na ang school bell , kaya pumasok na kami ni Zooey sa room namin.
"Good Afternoon Maam!" Bati namin ni Zooey.
"Good Afternoon! Take your seat"
Umupo na kami ni Zeoey sa bakanteng upuan at agad nagsimula ang klase.
Natigilan ako sa kinauupuan ko ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Hi! What's your name?" Mahinhing sambit nito.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang makita ko sa likod nang kinauupuan ko ang isang babae. Napakaganda niya , maputi at mapupungay ang mga mata.
"Ahm ... I-Im Kean , Kean Mattheus Gonzales , and you are?"
*Kriiiiing Kriiiiing*
"Okay class , you may now have your break!" Teacher said.
Di niya na natuloy ang sasabihin nya dahil biglang nag-ring ang school bell.
"Ano kayang pangalan niya? At bakit ganon na lamang kabilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya? Weird!" Bulong ko sa sarili ko.
Natigilan ang pagkatulala ko ng biglang nagsalita si Zooey.
"Huy Kean! Ano na? Ba't parang tulala ka dyan? Tara na sa canteen" Anyaya nito.
Lumabas na kami ni Zooey ng room at dumiretso na sa canteen.
"Zooey , may nakita akong babae! Sobrang ganda nya. Ewan ko ba kung bakit bumilis yung tibok ng puso ko nung makita ko sya. Pero ..."
"Pero? Pero ano?" Tanong ni Zooey.
"Di ko siya masyadong nakausap at di ko nalaman yung pangalan nya kasi biglang tumunog yung bell! Hays , kainis!" I said with disappointment.
Natigilan ako sa pagkain ko nang biglang dumaan yung babaeng nasa likod ng kinauupuan ko kanina. As I've said , ang ganda talaga niya.
Pagtitig na lamang ang nagawa ko nang makita ko siya.
Lalapitan ko na sana siya ng may biglang humawak sa balikat ko.
"Hahaha , siya ba? Siya si Isabelle"
"Sino ka? Do we know you?" Zooey replies with sarcastic voice.
"Woah , wait! Chill Hahaha. By the way , I'm Brian , Brian Montenegro" He replies.
"Walang nagtanong , tsk" Bulong ni Zooey sabay irap kay Brian.
Antaray talaga nitong babaeng 'to minsan.
"Do you know her? I mean , that girl you're saying earlier about?" I asked.
"Yes! Siya si Isabelle Alliah Ocampo. Girl crush ng campus. Maganda , maputi , mahinhin , mabait , matalino , halos lahat na ng positive traits meron siya. Hard-to-get din. Maraming nanligaw at nanliligaw sa kanya pero ni-isa walang pumasa" Brian.
Natigilan ako sa mga sandaling iyon at natulala.
"Teka , bakit mo nga pala gustong malaman? Bakit? May balak ka bang ligawan siya? Hahaha!" Pang-aasar niya.
"Hindi ba't , hindi naman masamang magtanong? Sabi ko.
"Hahaha , sorry na. Akala ko lang naman eh. Pero kung may balak ka , wag mo nang ituloy , kasi baka sa huli masaktan ka lang" Pagpapaalala niya.
"Baka gusto mo ng umalis , di ka namin friends" Diretsahang sabi ni Zooey.
"That's why I'm here para maging friends na tayo" Brian sabay kindat kay Zooey.
Tinignan naman siya ni Zooey na naka-poker face ang mukha.
"Friends lang , walang tayo" Zooey.
"Ahh oo nga friends lang pala muna" Sabi ni brian habang may ngiting nang-aasar sa mukha niya.
Inirapan naman siya ni Zooey at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Napaisip ako sa mga sandaling iyon. Napaisip ako sa mga sinabi ni Brian. Wala naman talaga akong balak ligawan siya , pero bakit ganon na lamang yung naramdaman ko nung makita ko siya? Posible nga bang bigla-bigla nalang bibilis yung tibok ng puso mo sa gitna ng pag-uusap niyo ng taong ngayon mo lang nakita at nakausap?
-------------------------------------------------------------
Sana
Posible nga ba?
Sorry readers masyadong maikli , pero simula palang naman to' hahaha.
I hope you enjoyed reading this first chapter of my story! Keep updated guys. Votes and Comments are well appreciated ❤Follow me KennethEnaje
YOU ARE READING
SANA
Teen FictionI'm not afraid to try again. I'm just afraid of getting hurt for the same reason ... Hope you will read my story until the last chapter! Thankyou ❤