Chapter 2. Announcement

391 16 1
                                    

Kean's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kean's POV

3:50 pm.

English Time na.

Hindi na ako nag-dalawang isip pa para kausapin si Isabelle. Agad ko siyang kinausap matapos magsabi si Brian tungkol sa kanya.

Habang nagsusulat ako ng lecture , naisipan ko ng kausapin ito.

"Ahm , h-hi Isabelle" Sabi ko na para bang nauutal.

"Hi Kean! Paano mo nalaman yung pangalan ko?" Tanong nito habang nakangiti.

"Simple lang ... because i'm Kean" Nakangiting sagot ko.

Hindi pa siya nakakapagsalita ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Kean! Stand up! What is Hyperbole?"

Ay , si Ms. Cedes pala.

"It is ex-aggerated statements or claims not meant to be ... taken literally" Medyo utal-utal kong sagot.

"Okay , take your seat" Ms. Cedes at agad naman akong naupo.

*Kriiiiing Kriiiiing* 

"You may now have your break"

Umalis na si ma'am at agad lumapit sa akin si Isabelle.

"Nice to meet you Kean!" Dagdag nya.

Nakipag-shakehands siya sakin sabay biglang umalis kasama ang mga kaibigan niya na lagi niyang kasama.

Sa mga sandaling iyon , naramdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko. At di ko alam kung bakit. Bakit sa tuwing nakakausap at nakikita ko siya , ganon na lang lagi yung nararamdaman ko.

"Oy Kean! Nakatulala ka nanaman dyan hahaha! Si Isabelle nanaman yan noh? Yie!" Pabirong sabi ni Zooey.

"Ewan ko sa'yo , tara na nga sa canteen!" Yaya ko sa kanya.

Tumabi ulit sa amin si Brian at nakipag-kwentuhan. Muka naman siyang mabait pero may pagkamahangin lang talaga.

"Hello guys!" sabi nito ng nakangiti.

"Bakit ka nanaman andito?" Zooey.

"Antaray mo sakin , why is that?" Naka-pout na sabi ni Brian.

"Tantanan mo'ko sa pag-papacute mo ah? Kasi di ka cute , ampangit mo" Sarkastikong sabi ni Zooey.

"Eto naman masyadong seryoso" Sabi nito na para bang excited na excited.

"Blah blah blah talk to my hands" Sabi ni Zooey habang nakalagay ang kanyang kamay sa tapat ng mukha ni Brian habang ito'y bukas sara.

"Oy diyan nagkatuluyan ang lola't lolo ko" Singit ko bigla.

Di ko maiwasang mapatawa sa reaksyon nilang dalawa , si Zooey na kunot ang noo at si Brian na nakangisi.

"Diyan na nga muna kayo , exit muna ko" Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

Hinayaan ko nalang silang mag-asarang dalawa. Habang naglalakad ako ay naririnig ko pa silang nag-babangayan.

-----

May 5 minutes pa naman bago matapos ang breaktime , pero napag-desisyunan ko ng bumalik ng classroom.

Pagkarating ko dito naabutan ko si Isabelle na nakaupo sa upuan niya which is sa likuran ng upuan ko , busy siya sa kanyang cellphone. Di niya ata napansin na andito ako.

"Hey , what are you doin'?" I asked her.

"Oh Kean , eto nagbabasa lang ng wattpad story" Napatango naman ako.

"Ba't di mo pala kasama si bestfriend mo?" Tanong niya.

"Busy pa kay Brian , hahahaha" Napatango nalang siya.

Saglit na katahimikan ang namutawi.

"How's your lovelife?" I suddenly asked her in the middle of nowhere.

Imbis na magsalita ay tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin sabay balik ng atensyon niya sa cellphone niya. 

Iba yung nakita ko sa mga mata niya ... parang ... nasasaktan?

Dapat pala di ko nalang tinanong.

"Ahh Isabelle? What's wrong? Did i say something wrong?" I asked her again.

Umiling siya sabay ngiti at umayos ng upo.

Hindi ko namalayan na hindi lang pala kami ang tao dito sa classroom. Andito na pala ang iba naming mga kaklase , tumingin naman ako kung saan nakaupo sila Zooey at Brian and as expected nag-aasaran parin silang dalawa.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating ang adviser namin.

"I have an announcement to make" Sabi nito. "We will having a camping next week , 3 days tayo doon" Umilingawngaw ang napaka-ingay na sigawan ng mga kaklase ko , tila ba'y excited na excited.

"Ser pwede bang wag nalang sumama? Mukang boring naman dun eh" Sabi ng maarti naming kaklase.

"Class quiet let me finish first" Sabi ni Sr. Rivas. "Hindi pwedeng hindi sumama , kailangan lahat kasama. Bukod sa may plus grade 'to may mga matututunan din kayo at tiyak mag-eenjoy talaga kayo. No buts , lahat kailangan sumama. This i required" Sabi ni ser sabay labas ng classroom namin.

Pagkalabas ni ser ay kanya kanyang sigawan ang lahat , kitang-kita ang excitement sa mga mukha nila maging ako ay medyo na-eexcite na din ngunit walang nagbago sa mukha ni Isabelle. Hindi mo makikitang masaya o ano.

In short , walang reaksyon ang mukha niya.

Why is that? May nasabi ba 'kong mali? Sa pagkakaalam ko nagtanong lang naman ako. 

Hays. Kakausapin ko nalang siya mamaya.

Biglang dumating ang last subject namin at nagsimula nang mag-discuss hanggang mag-uwian na.

Nag-aayos ako ng gamit ko , sasabayan ko sanang umuwi si Isabelle pero di ko na siya nakita , ambilis naman nun.

Napakamot nalang tuloy ako sa ulo ko.

"Kean tara na?" Aya sa akin ni Zooey.

Napabuntong hininga nalang ako bago tuluyang lumabas ng classroom.

  -------------------------------------------------------------  

Sana

Sana alam ko yung iniisip niya.

Votes and Comments are well appreciated! Thankyou readers, loveyou ❤

Follow me KennethEnaje

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SANAWhere stories live. Discover now