(A/N : This story is pure fictional. )
Halaga.
Lahat ng tao sa buhay natin may halaga. Minsan nagiging bulag lang tayo kasi di natin nakikita yung mga taong tunay na nagpapahalaga sa atin dahil masyado tayong naka focus dun sa taong sinasayang lang yung halaga natin.
Aminin na lang natin na sa mundong kinatatayuan natin, Nalalaman lang natin ang halaga ng isang tao kapag tuloyan na silang umalis o nawala sa buhay natin.
Ako nga pala si Carl Kali Sargosa- taong laging karamay ni Reyn Mhae Mendoza - taong mahal ko.
Ako yung taong laging nandyan para sa kanya kapag pinapaiyak siya ng walang kwenta niyang boyfriend. Ako yung kaibigan niya na nagpapaka tanga sa pagmamahal sa kanya. Ako yung Taong nagmamahal kahit alam kong may ibang nagmamay ari sa kanya.
Pero kasalanan ko ba kung mahalin ko siya? Masama bang magmahal ng syota ng iba? Lalo na kung hindi siya pinapahalagahan boyfriend niya. Masama ba yun?
Siguro kung dati nalaman ko na ang tunay niyang halaga, kami na. Wala nang iiyak, Wala nang magmumukhang tanga. Dahil parehas na kaming masaya, pero sabi ko nga nung una. nalalaman lang natin ang tunay na halaga ng isang tao kapag nawala na sila sa'tin
Si Reyn tagal na naming magkakaibigan dahil tropa tropa kami. Pero siya yung laging nandyan para sakin nung mga panahon na lugmok na lugmok ako dahil sa sakit na nadarama ko noon sa kadahilanang iniwan ako ng Ex ko.Noon, Single pa siya. Pero Noon...bulag pa ako. Di ko pa nakikita ang tunay niyang halaga. Kaya ngayon nagsisisi ako, kung kelan may nagmamay ari na sa kanya tsaka pa luminaw ang mata ko para makita ko siya.
Kaya ngayong may iba ng nagmamay ari sa kanya. Wala na akong maggawa kundi gawin yung ginagawa niya sakin dati. Ang maging karamay niya tuwing iiyak siya. Dahil ganun rin siya sakin dati, yun nga lang di niya ako gusto kasi sabi niya magkaibigan lang kami. At Mahalaga ako sa kanya.
Kung dati niyo sakin itatanong kung "Mahalaga ba si Reyn Sayo?" Siguro isasagot ko "Oo kasi kaibigan ko siya eh"
Pero marami nang nagbago . Kung itatanong niyo sakin ngayon "Mahalaga ba si Reyn Sayo"
"Oo, Mahalaga siya sakin di lang dahil sa kaibigan ko siya, Mahalaga siya sakin kasi di ako makatulog kapag di ko natatanong kung kumain na ba siya, di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakikita kahit buhok man lang niya, Alam ko agad na siya yun kahit nakataligod siya, May kumikirot sa puso ko kapag nakikita ko ang mga luhang pumapatak dahil sa boyfriend niya, Sa totoo lang maraming dahilan kung bakit siya mahalaga. Pero ito ang pinakamalupet. MAHALaga siya sakin kasi MAHAL ko siya"
Kaya Payo ko lang sa inyo mga dudes! Wag kayong gumaya sakin ha? Wag niyong hayaan mawala ang taong mahal niyo bago niyo pa sila pahalagahan.
BINABASA MO ANG
Halaga
Teen FictionKwento ng magkakaibigan at magkaka-ibigan..........Ano nga bang magagawa mo para maipakita ang halaga niya at ano nga ba ang dapat mong gawin kapag yung taong mahal mo pagmamay ari na ng iba subalit binabalewala lang neto ang halaga ng taong mahal m...