H-1

20 0 0
                                    

Carl Kali's POV

"Anak pakidala na lang itong meryenda ng lola minda mo oh" utos sakin ni mama sabay abot ng tupperware na may laman na pancit.

Si Lola minda, hindi namin talaga siya kaano ano. Pero mahalaga siya sa buhay namin. Kasi wala na naman akong lola kaya siya yung tinuring kong lola kahit na hindi na siya nagsasalita. Dahil marahil sa trauma. Kwento kasi sakin ni mama nakita niya si Lola Minda nag iisa lang at hindi umiimik sa gilid ng kalsada. Eh dahil mabait at walang tumayong magulang si Mama eh kinupkop niya si Lola Minda , isa pa mayaman naman kami kaya tinutulungan namin siya kahit di namin siya kaano ano. Napamahal na sakin si Lola Minda kasi siya yung tinuring kong kaibigan , lola at diary ko . Kasi sa tuwing may dinidibdib ako, sa kanya ko lang sinasabi. Kahit alam kong wala siyang maisasagot sakin. Alam kong naiintindihan niya ako.

Lumabas na ako ng bahay namin at pumunta sa kubo ni Lola Minda.Kasi di komportable si Lola sa bahay namin. Marahil masyadong malaki at di siya sanay. 

Habang naglalakad ako papunta sa gilid ng bahay namin. Kasi dun nakapwesto ang kubo ni Lola minda. Para malapit lang sa amin. Kaya ayun. Habang naglalakad ako papunta kay Lola Minda eh naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Hayyyy

Pumasok ako sa kubo at nilapag ko sa lamesa yung topperware na may laman na pancit. At ayun si Lola Minda nakaupo at nakatingin sa labas ng bahay. 

"Lola Minda eto na po yung meryenda niyo. Pinabibigay po ni Mommy" Sabi ko

Tiningnan niya ako. Subalit iniiwas rin niya yung tingin niya. Siguro di pa siya gutom. 

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Lola minda...Nakita ko na naman po siyang umiiyak dahil sa boyfriend niya. Dun lang naman niya ako naaalala eh kapag kailangan niya ng iiyakan.Sabi niya nakita daw niya na may ibang kasama yung boyfriend niya. Pinagsabihan ko siya pero wala rin eh. Mahal na mahal pa rin niya yung boyfriend niya. Grabe ang swerte nung lalaking yun. Gago lang. Pasensya na po ha? Pero gago talaga yun eh. Di lang gago bulag pa. Kasi di niya nakikita ang tunay na halaga ni Reyn eh. Samantalang eto ako." Sabi ko. Pero walang sagot si Lola. 

Tumayo ako

" Hayyys napapatagal na ho ata ako. Sige po alis na po ako. May laro ng basketball ang tropa mamaya eh. Kung nagugutom ho kayo nandun lang po yung pancit sa lamesa ah? Sige po babye lola" sabi ko then i kiss her on her cheeks.

Umalis na ako sa kubo. Then tinext ang buong tropa

To : Jon , Alex , Jerome , Jane , Reyn <3 

    Mga brad laro tayo basketball  mamayang 3pm..Sabado naman !

After kong itext yun tiningnan ko ng ilang segundo ang pangalan ni Reyn sa contacts ko. Kelan ko kaya makikita lagi lagi ang pangalan mo sa inbox ko? Palagi na lang kasing sent items eh. tsk.

Binalik ko na ang cp ko sa bulsa ko at pumasok sa bahay. Pumasok na rin ako sa kwarto 

Pagkalagapak na pagkalagapak ko sa kama biglang tunog ng cp ko.

*ting

Kaya agad ko itong binuksan

From : Reyn  <3

    Carly.!!! Oy! di ako makakasama sa laro niyo mamaya ah? May date kami ni Dan ngayon eh! Oy Oo nga pala!! Carly okay na kamiiiii ! Hihi ... Ang oa ko lang ata kahapon eh kasi kaibigan lang pala niya yun!! Salamat nga pala Carly !! Love you Best!

Napabuntong hininga ako sa nabasa ko

"I love you too...more than bestfriend. Hayys sa susunod na paiiyakin ka ng bwisit mong boyfriend na yan. Di ko na alam gagawin ko. " Sabi ko sa sarili ko

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon