H-2

13 2 0
                                    

Alam ko na agad kung sino yun. Iniangat ko yung Ulo ko at tama nga ako. Si Reyn umiiyak habang papalapit sakin. Tumayo agad ako at niyakap ko siya "Ano na namang nangyari?" tanong ko sa kanya habang nakayakap

Lalong lumakas ang iyak niya "C-carly...." suminghot siya at nararamdaman ko ang mga luha niya sa likod ko. Nanghina agad ako ng sabihin niya ang pangalan ko habang naiyak. but somehow napangiti ako nung 'Carly' yung itawag niya sakin. siya lang tumatawag sakin nun, para daw maiba at siya lang tumatawag sakin nun. Para daw kasi akong bakla kasi ako pa daw yung laging nandyan para sa kanya imbis na si Jane or kaibigan niyang babae. Eh ano bang magagawa ko ? maHALAGA kasi siya sakin eh

"C-carly, bakit ba ....sa tuwing magaaway kami. Ako yung palaging mali" -sabi niya sa kalagitnaan ng paghikbi niya

Uminit agad ang ulo ko nang marinig ko ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Napayukom ang mga kamao ko habang yakap ko siya. Pinipilit kong hindi sumugod sa gago niyang boyfriend pero mas mabuti na to. Ganto lang kami, Magkayakap. 

Kung pwede nga lang eh, kaso hindi. Napapagod rin kami kay humiwalay siya sakin at umupo sa gilid ng kalsada, Ganun rin ako. 

Pinunasan niya yung pisngi niya pagkaupo niya at tumawa ng peke "Haha Carly biroin mo yun? Siya na nga yung pinagbigyan ko. Siya pa yung galit, Talo daw sila?! Kasalanan ko ba yon?! Carly? Ha? Ako pa ba yung may mali?" -Sabi niya habang nakatingin sakin ang mga mata niyang basang basa ng luha. 

I fake a smile "Mahal mo talaga siya noh?" Ibinaling niya ang tingin sa mga ulap at bituin "Oo Sobra, kahit hindi ko na nga sabihin eh. Kitang kita naman. Kaya nga pag nasasaktan ako kahit hindi ako magsalita. Kitang kita pa rin Haha. " 

Napatingin rin ako sa taas pero di nagtagal tiningnan ko ulit siya "Bakit di mo na lang kasi siya iwan? Sinasaktan ka lang naman niya diba?" Napatingin siya sa sinabi ko 

"Haha Carly Line ko yan, Naaalala ko yung dating umiiyak ka rin dahil sa Girlfriend mo na ex mo na ngayon.Lagi kong sinasabi na iwan mo na lang kasi....Sinasaktan ka lang niya, Pero ayaw mo. Naiinis pa nga ako sayo nun eh, lagi kong sinasabing ang tanga tanga mo kasi sinasaktan ka na minamahal mo pa. Pero alam mo carly nung naging kami ni Kiko naintindihan na kita. Naintindihan ko na kung bakit ka nagtitiis nun sa taong pinagmumukha ka lang tanga. Nararamdaman ko na kung paano masaktan. Yung feeling na sobrang sakit na pero ayaw mo pa rin siyang mawala sayo? Ganun ako ngayon sa kanya! Sobrang halaga niya sakin " -sabi niya habang nakangiti pero ganun pa rin ang mata niya, basa pa rin

Napatungo ako sa sinabi niya. kung alam lang niya, nagsisisi ako ngayon. Sana pala ikaw na lang yung minahal ko noon. 

"Haha Oo nga eh" - sa dami ng sinabi niya, yan lang ang naging sagot ko. Di ko kasi maimik yung dapat iimikin ko eh

Ilang segundong tumahimik ... "Ay! Siya nga pala Carly" pinunasan niya yung mata niya at tumingin ulit sakin "Ano yun? " tanong ko 

Ikinawit niya ang braso niya sa braso ko "Sorry na" Sabi niya habang nakatingin ang magaganda at maniningning  niyang mata sa mata ko at nakapout 

"Para saan?" Pagmaang maangan ko sa kanya

"Hmp! Alam mo na naman yun eh!" 

"Hindi nga eh,Ano ba yun?"

"Urgh! Alam mo na yun! " -ngayon ngumingiti na siya kahit alam kong nandon parin yung sakit. Natutuwa pa rin ako kasi kahit papaano eh napapangiti ko siya , kahit yung simpleng taga kinig lang kapag nagdradrama siya napapagaan ko na ang loob niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon