Probinsya

377 6 0
                                    

Her POV

"Do you think this is best for her? Pa masaya sya dito kahit papaano nairaraos namin ang buhay dito" Dinig kong sabi ng nakakatanda kong kapatid

"Cassandra! nakatapos ka ng pagaaral saan?! Sa San Juacqin College?! Pero saan ka ngayon?! Magkanong sweldo lang ang kinikita mo!" Sagot ni papa, hindi ako pwedeng mangielam dahil yun ang sabi ni ate.

napabuntong hininga ako. Sino ba naman kasi ang gustong malayo sa kinalakihan nya diba? Kung akong tatanungin mas ok na sakin maglako ng puto kesa pumunta sa syudad at sumama sa tatay kong iniwanan kami nung maliit pa lang ako. Oo kahoy lang bahay namin, sa iisang papag lang kami natutulog pero masaya naman kami. Napapaisip na lang ako dahil gusto kong umayos buhay ni mama, ate at Caeleb.

"PAYATOT!"

"AY KALABAW!" Napatayo ako sa inuupuan ko at napasapo sa dibdib

"Ay bakla dalawa likod mo? sino yun?" tiningnan ko si Ian ng masama. Palagi na lang akong inaasar na walang hinaharap e ano naman maga--

"Bakla di ka din maganda" pahabol pa nya. Hinampas ko ang braso nya at inirapan sya.

"Hoy Ian ha! Makapang asar ka wagas. May dibdib ka?! May dibdib ka?! bakla!" sagot ko sa kanya. Etong bakla to ang kaibigan ko simula pa nung elementary ako. Crush na crush ko nga to noon e kaso di ko inaasahan na aamin sya sakin ng isang sekretong hanggang ngayon itinatago namin sa magulang nya.

"Sakit ha! Oo na! Sino muna yung fafa?" Malanding tanong nya.

"Oi Ian wag mo kong matingnan tingnan ng ganya ha! Tatay ko yun." Sabi ko sa kanya, kitang kita mo naman sa muka nya ang pagkagulat. Nginitian ko lang sya ng bahagya. Alam ni Ian ang nangyari sakin noon, alam nya na iniwanan kami ng tatay namin para sumama sa isang mayamang babae.

"Seryoso ka Chloe? Weh? Bakit parang- kanino ka nagmana?" Pangaasar pa nya. Oo gwapo ang tatay ko, maputi na chinito matangkad at higit sa lahat matipuno. Ako? Hahaha maganda ako kaso.. payat lang! di Lang nagaayos. Oo na! Ako na ang GGSS

"Oo ga sya yung papa namin na iniwan kami para sa mayamang babae." Nginitian ko lang sya ng pagkalaki laki at umupumo na ulit

"E girl bakit bumalik sya? Ano pinaguisapan nila ni Cass? Parang nagaaway ga!" Umupo sya sa tabi ko at tinitingnan din ang paguusap nila. Kada mustra ng dalawang nagtatalong mag ama ay ginagaya ni Ian. kaya naman napapangiti ako.

"kinukuha nya kase ako. Gusto nyang tumira ako kasama nya" napatingin naman sakin ng bahagya si Ian. Alam ko naman mamimiss ako nito

"Seryoso? Sa City? Bakla di ka bagay dun dito ka na lang! Magtinda ka na lang ng Puto. No di ka aalis! Chloe ha!" Natatarantang sabi nya

"Ayoko naman talaga e. pero diba pangarap natin maging flight attendant? Iniisip ko kase kung pagaaralin nya ako matutupad ko na pangarap natin. Isa pa gusto kong maging maayos buhay nila mama. Tyaka ikaw tutulungan kitang makapag aral dun if ever" Nakatungo kong sabi sa kanya.

Nalulungkot ako kapag naiisip kong aalis ako dito. Pero para sa pangarap ko at sa ikakaganda ng buhay ng mama at mga kapatid ko siguro dapat sumama ako sa kanya. Medyo mahirap kase buhay namin dito, walang tubig madalas nagbabrown out malayo sa syudad malayo sa maayos na buhay. Pero masaya.

"I cannot think over now" napatingin nman ako sa kanya. ngumiti naman sya na parang nhihiya

"i cannot think over now? Ian pareho naman tayo ng teacher pero bakit parang magkaiba natutunan natin?" Nagkatinginan kaming dalawa at nagtawanan.

"HINDI CASS! ISASAMA KO SI CHLOE!" Sigaw ng tatay ko habang papalapit sa amin. Napatigil kami ni Ian sa pagtawa at hinablot ng ama ko ang braso ko

"A-aray pa nasasakta ako" sabi ko habang tinatry kong alisin ang braso ko sa pagkakahigpit ng hawak nya.

"Ayokong sumama! Pa! Ang tagal namin hinangad na makasaka ka pero ano? Babalik kayo at pipilitin kunin habang minamaliit mo yung pamilyang bumuhay at nagaruga sakin?!" Sigaw ko sa kanya. Natigilan silang lahat ni walang isa na umimik, ang ate ko ay iyak ng iyak lang

"Wala kang karapatan pa! Dahil nung mga panahong kailangan ka namin wala ka!" hindi kinaya ng katawan ko kaya't natumba ako sa pagkakatayo ko.

"Be!"

"Chloe!"

"Anak!"

Iyak lang ako ng iyak. hindi ko na alam gagawin ko. Masyado ng magulo

tumayo ako sa pagkakabagsak ko at dali daling nagtatakbo palabas ng bahay. hindi ko alam kung saan ako pupunta...

Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin..

natatakot ako.. nasasaktan.. nagagalit..

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makarating ako sa may ilog. Anong gagagwin ko?

Need a ride miss?

Big HouseWhere stories live. Discover now