Fangirls.
Yan ang tawag sa lahat ng mga babae na humahanga sa isang tao or grupo. According nga kay ateng Merriam, fangirl is a girl or woman who is an extremely or overly enthusiastic fan of someone or something.
Ang pagiging fangirl ay sobrang hirap. Mahirap magmahal ng tao na hindi naman alam kung nabubuhay ka o hindi. Mahirap magmahal ng taong hindi ka naman kilala. Mahirap magmahal ng taong hindi ka naman talaga mahal.
Ngunit kilala ka naman nila. Mahal ka rin naman nila. Kilala ka nila sa pangalan na FAN. At mahal ka nila dahil isa kang FAN. Minsan maiisip mo nalang na sana FAN nalang or ALL ang pangalan mo. Para pagsinigaw nilang "I LOVE YOU ALL!" Eh sa iyo talaga sinasabi.
Tapos yung hanggang imagine ka nalang or hanggang panaginip nalang. Na sana makilala ka ni Bias. Na sana maging kaibigan ko si Bias. Hindi bilang isang FAN kundi bilang ikaw.
Pero ang sinasabi ng iba ay:
"Huwag ka ng umasa""Hindi yan mangyayari"
"Asa ka pa"
"Hanggang panaginip ka nalang"
"Hanggang pangarap ka nalang"
"IMPOSIBLE"Oo nga at napaka-imposible. Pero paano kung sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay matupad ang isa sa mga pangarap mong makilala talaga siya o sila?
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
-dreamerifall-