Rebound Muna I

20 1 0
                                    

Posible ba yun? Na yung rebound going to love?

Madaming nagsasabi na kapag galing daw sa rebound ang isang relasyon. Di ganon yun ka strong. Kasi daw isang tao lang daw ang nagcacare at nagbibigay ng love sa dalawang tao. Which is tama naman na dapat dalawa ang magbibigay ng love sa isang relasyon.

Meron din nagsasabi na posible naman daw na mag work yun. Kasi pwede naman daw matutunan mahalin ang isang tao. Lalo na kapag laging andyan siya para sayo. Di daw malabong mafall ka sakanya.

Meron din naman nagsasabi na kapag galing sa rebound ang relasyon sa una lang daw ito magiging masaya. Sa una lang din daw magkakasundo sa mga bagay-bagay na pareho lang din naman daw sa normal na relasyon.

Pero, paano mo ba masasabi na rebound ang relasyon kung umpisa palang natutunan mo na agad mahalin ang isang tao? Kahit alam natin na galing ka sa break up or iniwan ka ng walang dahilan nalang. Tapos biglang dumating ang taong yun at inilalayan ka sa mga bagay na nagpapabalik sa nakaraan mo.

Kasi diba, di natin pwedeng sabihin na panget ang relasyon na galing sa rebound kahit nakikita naman natin sakanila na masaya sila pareho sa isat-isa diba?

Ang panget lang kapag rebound kayo galing. Ganon lang yun kabilis din mawala lalo na kapag bumalik yung taong nangiwan sakanya.
Ganon yun kabilis mawawala sayo kung gaano din kabilis dumating siya sayo. Parang ganito, sinubukan mo na maglakad tas may nakalimutan ka pala sa bahay niyo. Ganon kadali bumalik kapag rebound. Kumbaga di kana makakapag isip ka agad. Ang gagawin mo nalang is bumalik ka o balikan mo nalang yung naiwan.

Di mo na agad maiisip maiisip yung napag samahan niyo ni rebound. Kasi andyan yung dating minahal mo. Mawawala kaagad yung mga napagsamahan niyong dalawa sa maiksing panahon pero madaming nangyaring masasayang oras.

Hindi yun maiisip kaagad-agad, kasi nagiging selfish na tayo kapag puso na natin ang iniintindi natin. Tas si isip susunod nalang yan bigla. Tapos magreresponse na agad si hypothalamus mo ng kilig factor kasi andyan na ulit yung taong dating nagpapakilig sayo at minahal mo ng sobra. Kahit alam mong may isang taong minahal ka din ng sobra habang minamahal mo din ng sobra yung taong kasama mo na ulit ngayon.

Ang unfair lang diba? Kung kailan natutunan mo ng mahalin ang isang tao kahit sa rebound lang nagsimula ang lahat. Ikaw parin ang talo kapag dumating na yung Star player ng buhay niya. Kahit alam niyang sobrang nagpapakapagod siya makuha ka lang, masalo ka lang bago ka man lang bumagsak sa lupa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rebound to LoveWhere stories live. Discover now