"Ayoko na sayo! Di na kita kailangan! Wala kang kwenta!"
Paulit-ulit ko nang naririnig ang mga katagang ito. Mga katagang sa kasamaang palad ay nasabi ko sa taong pinakamamahal ko.
*ring ring*
"Sinugod siya sa ospital! Kailangan ka niya, pumunta ka na dito!"Tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Hindi maaari. Hindi pwedeng mawala ang taong mahal ko.
Pagkarating ko sa ospital ay naabutan ko siyang nakahiga na tila'y hirap na hirap na. Dali-dali kong hinawakan ang kanyang kamay. Napaisip na lang ako kung bakit sa kanya pa nangyari 'to. Bakit sa taong mag-isang nakakaintindi sakin. Sa taong laging nandiyan sakin at kasangga ko sa lahat ng problema ko. Nais ko sanang humingi ng tawad dahil sa nasabi kong masasakit na salita sa kanya kanina, pero...
*tooooooooooooot*
"MAMAAAAA!!!"
...huli na ang lahat.